Sean's Letters

4 1 0
                                    

CHAPTER 8

LYING on the sofa, Nancy slowly hummed the music she danced to with Sean last night. She's smiling from ear to ear while looking at her ring finger, imagining what Sean, her brother-in-law, is proposing to her. Until her daydreaming was disrupted  by a loud knock.

"Yes?" She answered out from nowhere and stood immediately, expecting that it's Sean who's knocking outside.

Ngunit kaagad na nabura ang kanyang malaking ngiti at napalitan ng banayad na ngisi ng bumukas ang pintuan at iniluwa niyon ang ulo ni Niobe.

"Can I come in?" Hinging pahintulot nito sa kanya na ikinatango niya naman.

Napa-upo si Nancy sa sofa at pasimpleng hinimas himas ang hita na natatabunan ng pink silk nightgown.

"Well, what time is it?" Tanong niya sa anak na babae

Hindi iyon sinagot ni Niobe sa halip ay prente nitong ini-upo ang sarili sa silya at inayos ang basang buhok.

"Would you brush my hair?" Lambing niya sa ina na ikinangiti nito.

"I was just going to bed." Ani Nancy na ayaw suklayan ang anak.

Napatungo naman si Niobe at napabuntong hininga ng tumanggi ito sa paglalambing niya.

"Then I'll brush yours."

Sa sinabing iyon ni Niobe ay napangiti si Nancy at tumayo saka umupo sa harap ng vanity mirror. Kinuha niya ang hairbrush na nakapatong sa drawer at binigay iyon sa anak. Malugod namang tinanggap ni Niobe ang suklay at nagsimulang suklayin ang malagintong buhok ni Nancy.

"You're wearing the nightgown I bought you." Napangiti naman si Niobe sa sinabi ng ina at napatingin din sa salamin.

"Tonight I felt like wearing something silk." Sagot ng dalaga na patuloy pa din sa pagsuklay ng kanyang buhok.

"Now that I think about it, I never brushed your hair..." Mabagal na usal ni Nancy na nakatingin sa mukha ng kanyang anak sa salamin.

"...did I?"

"You were busy." Agarang sagot naman ni Niobe at itinuon ang atensiyon sa sinusuklay na buhok ni Nancy.

Napatigil si Nancy sa pagsasalita at mariing tinitigan si Niobe

"With what?" Tanong niya.

"I don't know." Maang-maangang sagot ng dalaga.

"You and your father were always on your hunting trips." Sukmat niya dito.

"How could I compete with all of those dead birds you constantly brought home?" Pagpapatuloy niya pa na bahagyang ikinatigil ni Niobe sa pagsusuklay sa kanyang buhok.

Napatingin si Niobe sa earbuds na nakapatong sa sofa na patuloy pa din na naglalabas ng mahinang musika, at bigla na naman niyang ma-alala ang kaninang nakita niya sa dining room. Napatingin naman si Nancy doon sa earbuds ng marinig niya ang musika at kaagad na ibinalik ang mata sa salamin at isinawalang bahala ang mga pangyayari.

Bigla na namang pumasok sa isipan ni Niobe ang pangyayaring iyon ng minsan siyang umuwi galing sa eskwela na basang-basa sa ulan. Naabutan niya ang kanyang ina at ang kanyang tiyuhin sa sala na tinuturuan ni Nancy si Sean mag piano. At hindi niya sinasadyang mapatingin sa palasingsingan ng ina ng hindi na niya makita ang wedding ring na suot-suot nito.

"I saw you in the dining room today." Pag-ungkat ni Niobe ng panibagong usapin.

Napaayos naman ng pagka-upo si Nancy at napalunok ng laway

"I don't know what you think you saw..."

"...but nothing happened." Pagmamaang-maangan ulit nito.

"You were so still, I never even heard you there." Ani Nancy na ang tinutukoy ay ang pagtago ni Niobe sa likod ng hapagkainan habang pinapanood sila nito.

Everhart (Completed)Where stories live. Discover now