Hatred and Jealousy

1 1 0
                                    

CHAPTER 11

MULA sa labas ng bahay ay puno ng galit na pinapanood ni Nancy ang pianong dahan-dahang nilalamon ng apoy. Matapos niyang makita ang tagpong iyon ay bigla na lang nilukod ng galit ang kanyang puso at wala sa isipang kaagad inilabas ang piano ni Niobe na iniregalo ni Sebastian sa anak sa labas mismo ng bahay saka iyon sinunog. Hindi niya maipaliwanag kung anong klaseng emosyon ang kanyang nararamdaman ng pagkagising niya ay iyon ang bumungad sa kanya.

Pakiramdam niya ay parang pinagtaksilan, pinaglaruan, at niloko siya ng kanyang nag-iisang anak dahil sa may namamagitan sa kanila ng kanyang bayaw na hindi niya alam.

Pailalim kung kumilos—

Nangingilid ang mga malalaking luha na dahan-dahan niyang hinubad ang kulay asul na bathrobe at inamoy iyon saka itinapon sa apoy na mas lalong ikinaalab nito. Hindi niya mapigilang umiyak ng makita niya sa kanyang kinatatayuan ang mga koleksyon ni Sebastian na mga ibon na kuha lahat ni Niobe sa kanilang pag hu-hunting.

Galit siya.

Galit na galit.

Kahit sa pagligo niya ay tumatatak sa memorya niya ang lahat at pilit na kinukumbinse ang sarili na pinaikot-ikot siya ng dalawa. Hanggang sa pumasok na naman sa utak niya ang tagpong tumutugtog si Niobe ng piano kasama ang bayaw na si Sean pero binawela niya lang iyon dahil akala niya ay nagkapalagayan na ang mga ito ng loob.

Sumapit ang gabi, ang gabing huling pag-uusap nila ng kanyang nag-iisang anak. Patay lahat ang mga ilaw at tanging sinag lang ng buwan ang nagsisilbi niyang liwanag sa madilim at malaking hapagkainan.

"Should we do it again?" Tanong ni Sean na nagmumula ang tinig sa sala.

Napahagikhik naman si Niobe sa tanong ng tiyuhin

"I'm hungry. Let's eat first." Sagot ng dalaga na ikinapikit ni Nancy ng marinig niya ang boses ng anak na parang masaya pa set-up nila ngayon.

Gustong-gusto ni Niobe na takpan ang magkabila niyang tenga para hindi na niya ang mga ito na marinig pang nag-uusap ng biglang marinig niya ang papalapit na yabag ni Niobe.

Napa-angat siya ng tingin ng binuksan ng dalaga ang ilaw sa loob ng hapagkainan saka tumayo sa kanyang harapan hindi kalayuan sa kanya.

"You know, I've often wondered why it is we have children in the first place." Panimula niya na ang kinaka-usap ang ay anak na nakikinig lang sa kanya.

"And the conclusion I've come to is..." Pasimple siyang napalunok ng laway.

"...at some point in our lives, we realize things are they're screwed up beyond repair." Aniya at napabuntong hininga.

"So we decided to start again."

"Wipe the slate clean, start afresh." She sighed again.

"And we have children."

"Little carbon copies we can turn to and say, you will do what I could not. You will succeed where I have failed."

"Because we want someone to get it right this time." Pagkukwento niya sa anak na ibinabalik ang mga panahong hindi pa sila nagkaka-anak ni Sebastian.

"But not me." Bawi niya.

"Personally speaking, I can't wait life tear you apart." Puno ng paghihinagpis na tiningnan niya ang anak na parang walang paki-alam sa nararamdaman niya.

Niobe just leaned on the dining room wall while crossing her arms

"Niobe..." Nancy began to cry

"...who are you?"

"You were supposed to love me, weren't you?" Hindi niya maiwasang tanungin ang anak kung anong isasagot nito.

Sa halip na magbitiw ng salita ay pasimple nitong tiningnan si Sean na prenteng naka-upo sa piano bench na nakatalikod sa piano, naka dekwatrong upo at nakatukod ang dalawang kamay sa nakasarang fall board habang taimtim na nakikinig sa kanilang usapang mag-ina.

Nang sundan ng tingin ni Nancy kung saan nakatuon ang mga mata ni Niobe ay nagbaba siya ng tingin at dahan-dahang tumayo saka naglakad palabas ng dining room.

"Come up to my room, please." Pagka-usap ni Nancy sa bayaw ng madaanan niya ito.

Hindi siya sinagot ni Sean at hindi din siya magawang tingnan

"I enjoyed your performance." Bulalas ni Nancy at tumigil sa paglalakad saka iniwan ang dalawa.

Nang tuluyan ng nawala ang presensiya ni Nancy ay ibinaba ni Sean ang isang paa at inayos ang suot na long sleeves.

"Niobe, go and pack a small bag. We'll be leaving shortly."

Dahan-dahang tumayo si Sean sa pagkaka-upo at nakapamulsang sumipol-sipol na sinundan si Nancy sa kwarto nito.

Nang makalayo ang tiyuhin ay kaagad na umupo si Niobe sa inupuang piano bench ni Sean at ipinag krus ang mga bente saka ipinatong ang dalawang braso sa dibdib at prenteng naghihintay.

———

Bahagyang napalingon si Nancy sa likuran ng marinig niya ang sipol ni Sean at dahan-dahang binuksan ang nakasarado niyang pintuan. Naturang ipinihit ni Nancy ang sarili paharap sa bayaw ng makapasok na ito at iginiya ang mga mata sa kabuuan ng kanyang kwarto.

"I, uh..." Panimulang sabi nito na abala sa pagtingin tingin sa kwarto ni Nancy at Sebastian.

"I came to say goodbye." Simple at kampanteng pagpapa-alam nito sa hipag na parang walang ginawang pagkakamali.

"I can't allow you to do this." Pigil ni Nancy sa kanya na ikinahinto nito sa ginagawang paghakbang.

"Why not?" Tusong sagot naman ni Sean na halata sa boses ang pang-aasar.

"There are little things one notices along the way, but one suppresses because..." Putol ni Nancy sa pagsasalita at pilit na kinakalma ang sarili.

"Because?" Tanong ni Sean na gustong malaman kung anong nais nitong ipabatid.

"Why do you think?" Tanong pabalik ni Nancy na hindi nagpapatalo sa mga tinging nakaka-ilang na ibinabato ni Sean sa kanya.

"Love?" Maikling sagot ni Sean at umayos ng pagkakatayo sa harapan ng hipag.

"Sebastian loved Niobe."

"He would never driven so far away on her birthday." Pagsasabi ng totoo ni Nancy na parang may alam siya kung bakit namatay ang kanyang asawa.

"Not unless, for some reason, he was called away by someone he couldn't say no to." Pagtatama at pagpaparinig niya kay Sean.

"Auntie Mary wanted to speak to me about you but she never did come back after that night, did she?" Tanong ng hipag sa bayaw na gustong marinig ang katotohanan.

Nakapamulsang humakbang naman si Sean papalapit kay Nancy na ikinaatras nito sa pagkakatayo.

"People disappear all the time." Aniya na papalapit kay Nancy.

"Have me instead, but stay away from my daughter." Puno ng awtoridad at determinasyong utos niya sa bayaw na ikina-iling nito na patuloy pa din sa paglapit sa kanya.

"She's of age." Walang emosyong segunda ni Sean na mas lalong ikinaatras ni Nancy.

"Of age of what?" Nanginginig na boses na tanong nito.

"To live in this house on her own while her mother finally travels the world." Pagpapa-ikot ni Sean sa hipag para mauto ito.

Napasandal naman sa bintana si Nancy at isiniksik ang sarili doon ng wala na siyang maaatrasan pa.

"Don't you want to speak French in France?" Nanunudyong boses na anas ni Sean kay Nancy na ikinatingin nito sa mga mata habang nagsisi-unahang pumatak ang mga malalaking luha sa mata.

"What are you suggesting?" At tuluyan na ngang napa-iyak sa sitwasyon nahantungan niya.

"Come with me." Ani Sean at hinawakan ang mukha nito saka siniil ng mapusok na halik sa mga labi ang hipag.

Everhart (Completed)Where stories live. Discover now