The Investigation

2 1 0
                                    

CHAPTER 10

"Yes, sheriff."

"I was hungry, so I stopped by Rockets for some fries. I bumped into Andrew at the parking lot and we decided to go for a walk." Pagsisinungaling ni Niobe sa pulis habang tinatalian ang may kataasang buhok.

"At night? Those woods are dangerous." Sagot ng pulis na abala sa pagsusulat ng mga impormasyon na akma sa kanyang sinabi.

"Oh, I wasn't scared. Not with Andrew there. He's strong." Segunda ng dalaga na parang walang alam sa pangyayari at pasimpleng nilakasan ang boses para marinig iyon ng kanyang tiyuhin.

"I see." Napapatangong usal naman ng mamang pulis at isinara ang pinagsulatang kwaderno.

"So we had a very nice time." Pagpapatuloy ng dalaga na ikina-angat ng ulo ng pulis saka muling binuksan ang kwaderno.

Sa hindi kalayuan naman ay tahimik na napangisi si Sean sa sagot ng dalaga sa bawat tanong ng pulis sa pamangkin. Pero kaagad din iyong nawala ng magtanong ulit ang pulis sa dalaga.

"And then?"

"And then I went home."

"I thought Andrew said he was heading home too." Pagsisinungaling ulit ni Niobe hindi dahil sa pinagtatakpan niya ang ginawang pagpatay ni Sean sa kaklase kundi ay nagsinungaling siya dahil alam niyang nandiyan lang sa paligid si Sean at nakikinig.

"Any idea what time it was?"

"I, it was..."

"When did you eat the fries?" Putol ng pulis sa naudlot na sagot ng dalaga.

"Excuse me?"

"Well, you said you went there because you were hungry? And then, that is, after having a nice time, you would have become even more hungry..."

"...and if you went to eat some fries. I could find some people that can remember what time they saw you." Pag-uulit ng pulis sa sinabi niya kanina at nginitian siya na hindi kaagad ikinasagot ng dalaga.

Niobe is not good at lying and anytime soon she'll tell the truth

"I think I must have been... I must have been blushing. It was my first time outside with a boy. I didn't want to be seen." Pagdadahilan pa ng dalaga.

"It was eight thirty when you came home." Nakangiting sabat ni Sean sa masinsinang pag-uusap ng dalawa.

"II Trovatore was playing on PBS." At tumabi ng pagkakatayo sa pamangkin na ikinatingin ng dalaga sa kanya.

"Y-yeah, when I came home, my uncle was watching TV. And I watched it with him." Sakay ng dalaga sa alibi ng tiyuhin at napangiti na din sa mamang pulis.

"Ah, just a moment."

"II Trovatore." Hirap na pagbigkas ng pulis sa sinulat sa kwaderno.

"Was is it. Was it a foreign movie?"

"No. No, it's an opera by Verdi." Kaagad na sagot ni Sean sa tanong ng pulis na ikinatango tango nito.

"Would you like me to write it down?" Pagmamagandang loob ni Sean na ikina-iling ng pulis.

"I'm fine." Pigil nito at isinulat ang pangalan ng pinanood daw nila kagabi.

Nagkatinginan naman sina Niobe at Sean sa isa't-isa na parang nag-uusap gamit ang mga mata. Alam nila sa kanilang sarili na silang dalawa ang may kasalanan at kung may nakakita man sa kanila no'ng gabing 'yun ay paniguradong makukulong sila.

"I do hope Andrew is okay." Bulalas ni Niobe na puno ng senseridad.

"Well, his folks are a mess." Dugtong ng mamang pulis na ang ipinapahiwatig ay si Andrew at ang mga kasamahan nito.

"But then again, I have a feeling he'll turn up." Dagdag pa nito na animo'y inaasahan ang biglang pagpapakita ni Andrew.

"Boys that age..." At nagkibit balikat.

"I'll sure you do." Niobe blurted ensuring she give a proper assurance to the sheriff.

Nag-angat naman ng tingin ang pulis at kaagad na isinuot ang sombrero nito

"You will let me know if you hear anything, won't you?" Pahabol pa ni Niobe sa bisitang pulis.

"Will do." Tango naman nito at inayos ang pantalon.

"Okay!"

"Well, I'll be in touch." Sabay talikod ng sheriff at binuksan ang nakasarang pintuan.

"Goodbye, sheriff." Ani Sean na nakasunod sa likuran ng dalaga.

Nang makalabas ang pulis ay kaagad na isinara ni Niobe ang pintuan at pinagmasdan muna ito bago tumalikod ng biglang kumatok ulit ang pulis sa nakasarang pintuan.

"Oh, by the way, did your housekeeper ever get in touch after leaving in town so quick?" Tanong nito ng pagbuksan ulit ni Niobe ang pulis.

Ilang segundo ding nanahimik ang dalaga at nanatiling nakatitig sa pulis bago sumagot.

"No." Umiiling na sagot ni Niobe habang iniisip ang biglang pagkawala ng kanilang dalawang katulong.

"She didn't." Asik niya kahit alam na niya kung bakit nawawala sina Medith at Carla.

"Strange, how people can just disappear on you." Tanging nasabi ng pulis bago ito umalis.

Nang tumalikod na ulit ang pulis ay dali-daling umakyat sa hagdanan si Sean at hinawi ang manipis na puting kurtina at tiningnan ang pulis kung umalis na ba ito.

Nang makitang pinapaandar na nito ang kotse ay hindi mapanatag si Sean. Hanggang sa marinig niya ang tunog ng takong ng sandals na pinasuot niya kay Niobe na papalapit sa kanya.

"He'll be back." Wala sa sariling bulalas ng lalaki na nakatingin pa din sa labas.

Tumayo naman si Niobe sa kanyang harapan na nakatalikod sa kanya at nakisilip sa bintana.

"What are we going to do?" Tanong naman ng dalaga na animo'y nanghihingi ng sagot kung paano nila malulusutan ang problemang pinasok nila.

Napatingin naman si Sean sa nakatalikod na si Niobe at napangisi

"I think we'll really love New York." Suhestiyon niya na ikinalingon ng dalaga sa kanya.

"When do we leave?" Banayad ang boses at mahinang tanong nito sa kanya na mas lalong ikinalapad ng mga ngiti ni Sean na halos umabot na sa magkabilang tenga nito.

He really thought that his niece would hate him until she knew the truth but she didn't. Sa halip ay walang pagdadalawang isip na umuo pa ito sa suhestiyon niyang pupunta silang New York.

Nang i-angat ni Sean ang kanang kamay para hawakan ang pisnge ng dalaga ay kaagad nitong ibinaling ang atensiyon sa itaas ng marinig nilang pumangalatiit ang pintuan, senyales na gising na si Nancy sa mahimbing na pagkakatulog nito. Hindi inalis ni Niobe ang mga mata sa itaas habang hinihintay na makita ang ina kung ano ang magiging reaksiyon nito kapag nakita silang dalawa ng tiyuhin niya.

Nang makalabas si Nancy na nakasuot pa ng kulay rosas na nightgown ay napatitig ito sa bayaw at anak na nasa gitna ng hagdanan na para bang nag-uusap. Na magkaharap at dikit na dikit ang mga katawan na parang isang pulgada lang ang distansiya. Hindi magawang kumurap ni Nancy ng makita mismo ng kanyang dalawang mga mata ang kanang kamay ni Sean na naka-angat sa ere at kunting lapit na lang ay dadampi na ito sa pisnge ng anak.

Sa kanyang biglang paglabas ng kwarto ay napatingin na din si Sean sa kanya na halata sa mga mata ng bayaw ang kasiyahan. Hindi maintindihan ni Nancy kung ano ang nangyayari palipat-lipat ang mga mata niya sa dalawa hanggang sa napako ang mga tingin sa paa ni Niobe na ngayon ay nakasuot na ng kulay brown stilletos.

She gasped

She thought that, that stilletos she saw in Sean's duffel bag is for her pero hindi pala. Ibinalik niya ang mga mata sa anak at nakita niyang blangko ang ekspresyon sa pagmumukha nito na sa wari niya ay nalamangan siya ng anak sa uri ng pagkakatingin nito sa kanya.

"I'm sorry." Tanging naisambit niya at bumalik sa kwarto na tila parang naka-abala siya sa dalawa.

Nang marinig ni Niobe at Sean ang pagsara ng pinto ay napatingin si Niobe sa tiyuhin na nakatingin pa din sa pintuan kung saan pumasok si Nancy.

"Tomorrow night." Sagot ni Sean na ang tinutukoy ay ang pag-alis nila.

Everhart (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum