It Doesn't Matter Who You Are

3 1 0
                                    

CHAPTER 6

MARIING nakatitig si Niobe sa kanyang tiyuhin na nasa labas na naman kanilang paaralan, sa parking lot na nakahilig sa kotse at mukhang hinihintay na naman siya. Gusto niyang pagsabihan ang tiyuhin na huwag na itong mag-abala pang sunduin siya sa eskwelahan pero hindi niya magawa. Dahil sa katunayan ay ayaw niya itong kausapin at wala siyang balak na gawin iyon hanggang sa umalis ito sa bahay nila.

Napagpasiyahan ni Niobe na dumaan sa likod ng eskwelahan para hindi siya makita ng kanyang tiyuhin, pero napatigil siya ng makita niya ang kaklaseng nambully sa kanya noong nakaraang araw.

"Hey! Look who's here." Anunsiyo ng barkada ni Scott ng makita siya nito

"No kidding?" Sagot naman ng isa na parang namamalikta ng makita siya nito.

Inayos ni Niobe ang strap ng sling bag at nagsimulang naglakad para lampasan ang mga ito ng bigla na lang siya ng mga itong hinarang.

"Yo! Check this out."

"I'm telling you, she can talk, bro." Saad ng isang barkada ni Scott.

"Well, let's find out." Ani Scott at napatalon sa pagkaka-upo sa sirang upuan.

Patuloy lang sa paglalakad si Niobe at kinuha ang bagong hasang lapis sa loob ng kanyang sling bag.

"Oh, creepy, man."

"All right, shh, shh." Saway ni Scott at lumapit sa dalaga.

"Hey, Everhart!" Akmang dadaan si Niobe sa gilid ng lalaki ng harangan siya nito.

Nang magpatanto niyang ayaw siya nitong padaanin ay tinalikuran niya ang lalaki ng humarang naman ang isa pa.

"Hey, Everhart. Where you going?" Pagka-usap nito sa kanya.

"I'm talking to you." Bulalas ng isa pa ng hindi niya ito pinakinggan.

"Or do you go by Everhart Stroker now?" Ani Scott at uminom ng alak.

"Because I hear that's what your mom's been doing..."

"...to your uncle."

Sa ilang oras na paghihintay ni Sean sa parking lot hanggang sa wala na siyang makitang mga estudyante ay napagpasiyahan ng tiyuhin na pumasok sa loob ng paaralan at hanapin ang dalaga.

Nagsitawanan ang mga kalalakihan

"You been getting on that?" Ani Scott na ikinatingin ni Niobe sa kinatatayuan nito.

"What did you say?"

"Ooh!" Hiyawan ng mga kasamahan ni Scott.

"She speaks." Namamanghang asik naman ng isa pa.

"What did you say?" The other one mimicked her.

"I think you heard me, Everhart Stroker." Pang-iinis ni Scott sa dalaga.

"Say it again?" Matigas na pagpapa-ulit ni Niobe sa kaklase.

Nagsihiyawan ulit ang mga kalalakihan na ikinangisi ni Scott at tuluyan na ngang lumapit kay Niobe.

"All right. I think you'd better watch your step, Everhart. You know what happens to little girls who mess with me?" Pananakot nito sa dalaga.

Lumapit naman si Niobe kang Scott at nakipagsukatan ng tingin

Sa kalayuan naman ay nakatingin si Sean na nakatukod ang dalawang kamay sa barandilyas at pinapanood ang pamangkin sa kung anong gagawin nito.

Scott can't help but to scoff

Pasimpleng tumalikod ang binata at akmang susuntukin ang dalaga ng maunahan siya nito. Kaagad nitong isinaksak ang matulis na lapis sa nakakuyom na kamao ni Scott. Napasigaw ang binata at napaatras hawak-hawak ang kamay nitong dumudugo.

Everhart (Completed)Where stories live. Discover now