19

200K 4.8K 182
                                    

Chapter Nineteen


I am in love with Alexander Callix Monteverde.

Humithit ako sa sigarilyong hawak at ibinuga ang usok. Lumabas ako kanina at naghanap ng tindahan na mabibilhan ng isang kaha nito. Hindi ako palaging naninigarilyo, pero tuwing mayroon akong agam-agam at malalim na iniisip ay hindi ko ito maiwasan. Nang maupos ang ikalawang sigarilyo ay inihulog ko ito sa daan at inapakan. Pagkatapos ay pinulot ko ito at itinapon sa basurahan sa gilid.

Hindi ko alam kung nasaang parte na ako ng Daet, nagpaalam akong maglalakad-lakad kay Alexiana kanina at iniwan kong tulog si Alexander sa kuwarto niya. Napaupo ako sa isang malaking bato sa daan at napayuko na lang.

I am so, so stupid.

Para akong nanghihina dahil sa realisasyon ko kanina. Matagal ko na 'tong nararamdaman, pero pilit kong kinukumbinsi sa sarili ko na wala lang, it's just an infatuation, ano ba namang alam ko sa romantic love? Silly as it may sound, I felt like crying.

Naiinis ako hindi lang sa sarili ko.

Naiinis ako kay Alexander kasi ang galing niyang makipaglaro.

Naiinis ako sa manghuhula sa Quiapo kasi ngayon ay natatakot akong masaktan.

Nanginginig ako at nagtutubig na ang mga mata ko. Marahas kong pinunasan ang mga nagbabadyang luha. Hindi dapat ganito. Hindi dapat ako mahina. Hindi puwede ang nararamdaman ko.

I need to stop. I need to fucking erase the feelings I have for him.

Alexander is good at showing me he cares, but does he really? We agreed before that we're just playing a game out of boredom and what if he's just too good at playing that I'm getting carried away thinking there's more to us than being each other's past times? Eventually, he'll tire. He'll get tired of being with me. When that time comes, ano na lang ang matitira sa akin? Nothing.

No pride, no dignity, no love left even for my own self.

Because isn't that what love does to you after the heartbreak? It strips you with everything you have until you're left with nothing else other than the pain, the sorrow, the regrets. All the bad feelings. The brokenness. The emptiness.

Kinuyom ko ang palad ko. Para lang din akong sigarilyo nakapag naupos na, itatapon na lang ng basta-basta. I'm just here to give Alexander the temporary satisfaction.

Ilang minuto rin akong halos nakatulala lang habang nakaupo sa bato bago ko naisip ang dapat gawin. With a heavy heart, I dialed Terry's number. It took her seven rings to pick up, but lashing out at her is the least of my priorities right now.

"Ter, listen. I need you to do to book me a one-way ticket to Paris."

"A one-way ticket? Why?"
"Hindi ko alam kung kailan ako babalik. I need time off."

"Okay ka lang ba, Ms. Blythe?"

I wanted to break. Hindi ako okay, pero pinilit ko ang sariling magsinungaling.

"I am, I just need a break." She listened attentively as I carefully instructed her what to do. Sabi niya aasikasuhin niya agad ito bukas ng umaga. Nakahinga ako ng maluwag pero, parang nagsisikip pa rin ang dibdib ko. There was a lump in my throat when I replied. "Thank you, Terry. You are a blessing."

I checked the time and saw that it's almost five thirty. Ang dami na ring text messages ni Alexander na hindi ko napansin. Tumayo ako at napagdesisyunang bumalik na. Inayos ko ang ekspresyon ko. Hindi dapat siya makahalata na may bumabagabag sa 'kin. Ayaw kong makatunog siya sa nararamdaman ko para sa kanya. The mere thought of him knowing about it is enough to scare me off. I sent him a message saying that I'm going back and that I just took a stroll.

The Fall of Alexander the Great (Monteverde Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon