40

187K 4.1K 631
                                    

Chapter Forty


Courage. I didn't know I have a lot of it in me. Forgiveness, too.

Alexander pressed my palm once and then let go. Ibinaba ko ang isang basket ng bulaklak sa puntod na nasa harapan ko habang siya ay lumuhod dito at nagsindi ng kandila. Niyakap niya ako at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. I shut my eyes tightly and prevented myself from crying. Naalala ko 'yung sabi sa akin ni Tita Cassi nang magkwentuhan kami last week.

She said that I must learn to forgive. Hindi raw ako magiging tunay na masaya kapag hindi ako natutong magpatawad. Inabot ako ng ilang linggo bago ko mapagdesisyunan na bisitahin siya. Umupo ako sa damuhan at bumuntong hininga. Alexander sat beside me but remained silent.

"Tay..." tawag ko. Gustong pumiyok ng boses ko pero pinigilan ko ito. Naramdaman ko na naman ang pagkirot ng puso ko. His name was engraved on the tombstone.

Faustino E. Madrigal

"Ang tagal ko hong nagalit sa inyo kahit hindi ko kayo nakilala. Sabi ni Pearl ginusto niyo raw na ipalaglag ako. Ang sama sama ng loob ko no'ng araw na nalaman ko 'yon. Kaya inabot rin ako ng isang buwan bago kayo dalawin dito, e."

Kinagat ko yung labi ko. "Pero tatay ko pa rin kayo kahit gano'n. At alam kong kung nasaan ka man ngayon 'Tay ay nagsisi ka na. Alam kong binabantayan mo kami nina Pearl at masaya ka dahil nagkita na kami ni Nanay. Sorry ho, dahil natagalan ako sa pagtanggap sa kanila. Ang hirap naman kasing iabsorb ng lahat agad-agad eh. Pero wag kayong mag-alala... Aalagaan ko ho ang Nanay. Hindi ko hahayaang kunin siya ng mga Myrmidons." Sa huli kong sinabi ay bumagsak ang mga luha ko. Pinunasan ko ang mga ito.

Inakbayan ako ni Alexander. Mataman niyang tinitigan ang lapida.

"Nangangako ho ako sa harap niyo, Tay..." Tinitigan niya ako at nakita ko sa mga mata niya ang sinseridad at determinasyon. "Na mamahalin ko ng buong puso ang anak niyo. Hindi ko siya lolokohin at paliligayahin ko siya araw araw. At gabi-gabi."

Natatawang hinampas ko ang balikat niya. Muli akong tumingin sa pangalan niyang nakaukit at binigyan ito ng isang payapang ngiti.

"Pinapatawad ko na ho kayo, Tay."

Iniharap ni Alexander ang mukha ko sa kanya at siniil ako ng halik. Nang magbitiw kami ay nginitian niya ako.

"I'm so proud of you." He whispered. "I admire you for being a strong woman."

Umiling ako. "No, I'm not a strong woman. Mahina ako. Pero pinalalakas ako ng pagmamahal mo."

Natahimik siya. Pagkatapos ng ilang segundo ay unti unting napangitin, and then he chuckled. "Aba! Marunong ka ng bumanat ha!"

I laughed and elbowed him. "Syempre naman, kinilig ka ba?"

He snorted. "Tigilan mo ako, Blythe."

Inalalayan niya akong tumayo, nagpaalam kaming dalawa sa Tatay bago sumakay sa kotse. Nagdrive siya papunta sa bahay nila Nanay. Nang makarating kami roon ay nasa labas na si Perla ng bahay.

"Late kayo. Gumawa ba kayo ng pamangkin ko?" Nakataas ang kilay na tanong nito.

"Oo, Perla. Tita ka na," kaswal na sagot ko. Nanlaki ang mata ni Perla sa sinabi ko. Binibiro ko lang naman siya. Naramdaman kong hinatak ni Alexander ang kamay ko.

Ang dilim ng itsura niya. "Why didn't you tell me?" Nakatiim bagang siya. "Kung hindi ka pa biniro ng kapatid mo hindi ko pa malalaman na nagbunga pala ang—"

Nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay si Pearl at iniwan kami doon. Guilty na nagpout ako.

"Sinakyan ko lang siya."

Hindi sumagot si Alexander. "I'm sorry! I didn't know you will fall for that!"

"Hindi 'yon magandang biro, Blythe."

"Sayang. Akala ko pa naman ay magkakaroon na ako ng mini Blythe."

"Ano'ng sabi mo?" Nilingon ko siya.

Inismiran niya ako bago sumagot. "Wala. Tara na sa loob."

Magkasabay kaming pumasok sa loob at nakita kong nanonood si Nanay ng tv sa sala. Katabi niya ang kinuha kong private nurse. Umupo ako sa tabi ng nanay ko at nagmano. Tinitigan niya lang ako.

"Perla, pinuntahan na naman tayo ng babaeng parang si Oneng oh." Sambit nito.

"Nay, paulit-ulit naming sinasabi sa'yo na siya nga si Oneng."

Humagikgik ang Nanay. "Oo nga pala. Nakalimutan ko. Upo ka dito dali, Oenone. Aayusin ko ang buhok mo."

Nakangiting tinabihan ko siya bago hinayaang paglaruan niya ang buhok ko. Kwinentuhan ko lang siya ng kung ano ano at nakinig naman siya. Tapos bigla niya akong kwinentuhan ng greek mythology.

"Iinom na po siya ng gamot tapos magpapahinga na, ma'am," sabi ng nurse.

"Sige, samahan na kitang i-akyat ang Nanay." Mungkahi ko pero hindi sumang-ayon si Alexander.

"Ako na, diyan ka na lang sa baba." Sinusungitan niya parin ako dahil sa pagbibiro ko kanina kay Pearl. Tumango na lang ako at sinamahan si Pearl sa kusina. Kwinento ko sa kanya ang nangyari sa puntod ni Tatay. Pagkatapos ng mahigit sampung minuto ay bumaba na si Alexander.

"What took you so long?" I asked.

"Humirit pa kasi ng kwento si Nanay," sagot niya. Tumango ako. Sanay na ako sa kanya. Madalas ay lagi siyang nagpapakuwento sa amin. Ang dami kong nadidiskubre tungkol sa pamilya ko bawat araw at napapasaya ako ng bawat kaalaman.

"Pearl, mauuna na kami ni Blythe at may dadaanan pa kaming kaibigan today."

"Sige, mag-ingat kayo ha. At ikaw, Alexander, good luck," makahulagan niyang bati. Nagkunot ang noo ko kaya binalingan ko sila.

"Good luck? For what?"

Nagkatinginan silang dalawa bago kabadong tumawa si Pearl. "Ano, uhm... Sabi ko kasi, tayong mga babae, ang emosyon ay parang rollercoaster ride. So, kailangan niya ng maraming pasensya para hindi kayo nagtatalo."

"Okay?" I shrugged. Dahil nabanggit niya ang rollercoaster ay naalala kong ang tagal ko nang hindi nakakapag-amusement park. Habang palabas kami ng bahay ay sinabi ko sa kanyang gusto ko sanang pumunta sa gano'n bukas.

"Blythe, we have a dinner date tomorrow."

"Move it on a different date, Aldeng."

Sumimangot siya. "Hindi puwede."

"Sige na. It's been a long time. At, first time natin ito na magkasama."

"Ang kulit!" palatak niya. "Blythe..."

"Alexander, it's going to be fun!"

"Fun?" He huffed indignantly. "Fine!"


The Fall of Alexander the Great (Monteverde Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon