Finale

191K 4.2K 343
                                    

Finale

"Nagising ako kagabi at nakita kong nasa sala ka pa, naglalaptop ka at ka-skype mo sila Daddy." I mouthed once we boarded the car. Panandalian siyang natigilan pero agad ring nakabawi.

"Oh, that. Kinamusta ko lang sila." He said before keying the ignition. Tumango na lang ako. Dad and Mom are country-hopping again, ngayon ay nasa Germany naman sila. Babalik sila rito after two weeks.

Tumawag sa akin si Pearl para lang sabihing mag-enjoy daw kami ni Alexander. Hindi ko nga alam kung bakit ang hyper niya ngayon. Humithit siguro ito ng katol. Naalala ko noong kwinento ko sa kanya ang hula ni Nanay sa akin dati, hinintay ko pa ang reaksyon niya pero ipinagkibit-balikat niya lang naman.

Minsan talaga may mga pagkakataon paring walang bahid ng ekspresyon na makikita sa mukha niya, natural na kasi sa kanya ang ganon kaya bigla ko na lang siyang kukulitin at haharutin. Tapos bigla naman siyang ngingiti na parang wala ng bukas. He told me that I am his constant source of happiness. Kinilig naman kami ng awesome kong blue hair.

Naputol ang pag-mumuni muni ko nang magsimula ng magdrive si Alexander, hindi na ako makapaghintay na pumunta sa amusement park. Ang tagal ko na ring hindi nakakaunta sa gano'ng lugar dahil naging busy na kaming dalawa ni Amanda.

"Uhm, wrong way?" I said when he started heading downa familiar path. He smiled and took my hand, kagaya ng palagi niyang ginagawa ay ginawaran niya ito ng isang banayad na halik.

"Daan muna tayo sa ampunan." Dalawang linggo na kaming hindi nakakadalaw sa ampunan at miss na miss ko na si Kyla at ang mga bata. He parked in front of the orphanage and we went out of the car. Tuloy-tuloy akong pumasok at pinuntahan ang mga bata sa garden, doon kasi sila palaging nakatambay para maglaro. Nakita kong naghahabulan sila habang si Kyla ay nakikipag-piko kay Tristan. Tinawag ko sila at nagsitilian ang mga bata nang makita kami ni Alexander.

They gave us a huge hug. "Namiss ko kayo."

Tumayo si Alexander at nagpaalam na papasok lang daw sa loob para hanapin sila Sister, nagpaiwan na lang ako kasama ng mga bata para makisali sa pakikipaglaro nila. Naka-apat na set na kami ng tagu-taguan nang muling bumalik si Alexander.

He was smiling like an idiot while looking at me. Lumapit siya sa akin at naglabas ng bimpo mula sa backpocket niya. Habang pinupunasan niya ako ng pawis ay tinanong ko siya kung bakit nakangising-aso siya. He just shrugged. Natanaw ko sila sister sa likod niya at nagulat ako ng sugurin nila akong lahat para yakapin. They looked ecstatic over God knows what.

"Blythe, naku! Masaya ako para sayo!" sambit ni Sister Aurelia bago ako niyakap uli ng mahigpit. Pinandilatan naman siya ni Sister Gertrude.

"Aurelia!" saway nito.

"Ano pong nangyayari?" nagtatakang tanong ko. I shot Alexander a confused stare but he just gave me a half-smile before taking Kyla in his arms.

"Wala, wala! Wag mo kaming intindihin at matatanda na kami."

"Kayo ho talaga." Nang muli kong lingunin si Alexander ay masinsinan niyang kinakausap si Kyla. Napangiti ako habang nakikita ko ang kislap sa mga mata ni Ky habang kausap si Alexander.

"Sige na, umalis na kayong dalawa! Este mag-amusement park na kayo!" untag ni Sister Aurelia sa akin bago ako hinatak patungo kay Alexander. He set Kyla down and the kid winked at me before running towards her friends.

"Let's go?" He asked. Nagtilian uli ang mga madre at nagtaas naman ako ng kilay dahil sa pagkalito.

"What's going on?" I inquired but he just put an arm around my waist before leading me outside. Nagkibit balikat lang siya bilang sagot. Ipinagbukas niya ako ng pinto ng sasakyan at sumakay ako. Pagkatapos ay umikot siya at umupo sa driver's seat.

The Fall of Alexander the Great (Monteverde Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon