34

193K 4K 113
                                    

Chapter Thirty Four

A few months later...


"Can you come home for lunch?" I asked Alexander through the phone even though my heart was deafening me with its loud thumping. He paused for a while. Maybe thinking it over. Inikot ko ang mga mata ko sa condo at napangiti. May mga lobo sa sahig at may mga banderitas pa na nakasabit. Naglagay din ako ng disco ball para maging lively naman tignan ang paligid.

"Alexander?" tanong ko mula sa kabilang linya nang hindi siya makasagot agad.

His sigh was audible.

"I'm sorry, love. I can't. I'm busy here, alam mo naman 'yon diba?"

Parang gumuho ang buong mundo ko sa pagtanggi niya. Paano na ang surprise ko para sa kanya? Paano na ang paghahanda ko? Paano na ang effort ko?

"Please? Kahit ngayon lang?" Pangungulit ko.

"Blythe, I can't. I'm working. You know how loaded I am these days, right?" Inihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko habang muling pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ng paligid. Gusto ng bumigay ng mga tuhod ko. Gusto ko nang babaan siya ng telepono. Gusto ko nang umiyak.

"Please. Just for today. Lunch time naman, e." Alam kong pag-uwi niya sa bahay ay late na dahil sa overtime, at matutulog na lang siya buhat ng sobrang pagod, kaya ngayon ko inihanda ang sorpresa ko. "Alexander, come on."

He paused again. And then he expelled a deep breath. "I'm sorry."

Nanginig ang kamay ko. Tumingala ako para pigilan ang mga luhang nagbabadyang maglandas sa nakablush on kong pisngi. "Sige. It's okay. Have a nice day at work. I love you."

"I love you," he replied. Inunahan ko na siyang magbaba ng tawag.

Alexander is drifting away from me.

I know it.

I can feel it.

Hindi naman ako tanga para hindi makaramdam. Hindi rin naman ako manhid para hindi maintindihan ang nangyayari sa aming dalawa. I bit my lip to prevent myself from crying. I will not acknowledge this problem with tears. Walang magagawa ang mga luha ko sa kinakaharap na pagsubok ng relasyon namin ngayon.

Nararamdaman ko ang panlalamig ni Alexander sa akin.

Ilang araw na siyang laging nakababad lang sa opisina, kapag tinatanong ko naman siya kung ano ang ginagawa niya sa opisina ay paulit-ulit lang ang sagot niya. Meeting. Minsan nga ay tinawagan ko na ang sekretarya niya. Tinanong ko kung palagi nga bang busy si Alexander sa opisina.

She told me no. Alexander doesn't have that much meetings to attend anymore. In fact, lagi pa nga raw siyang nakalunch-out at madalas ay inaabot ng ilang oras bago makabalik. Ayaw ko siyang pag-isipan ng masama. Ayaw kong magalit. Ayaw kong isipin na nagsasawa na siya sa akin. Pero ano pa ba ang posibleng dahilan?

He clearly lied to me. There aren't any meetings. He wasn't busy. He was keeping secrets from me. Napaupo na lang ako sa dining room chair at napadukdok sa mesa. Nang magtaas ako ng paningin ay nahagip ng mata ko ang cake na ako pa mismo ang nagluto. It was chocolate flavored and has a greeting on top.

Happy 6th monthsary, love!

Naiyak na ako. Hindi ko na napigilan. Humagulgol ako sa doon habang tinitignan ang cake at ang mga dekorasyon. He didn't remember. He chose to lie to me again. Malamang ay hindi naman talaga siya busy. Malamang ay magla-lunch out na naman siya. And who knows who he goes out with every time he eats out.

The Fall of Alexander the Great (Monteverde Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon