Yvonne

1.9K 29 0
                                    

Si Yvonne ang nagpalimot sa akin kay Mylene. Grade 5 na ako ngayon at si Yvonne ay grade 4, mula sa room ko ay lagi ko siyang tinatanaw. Total opposite ni Mylene si Yvonne. Muse ng section nila si Yvonne tapos dancer pa siya ng school namin. Basta napakaganda ni Yvonne- maputi, sexy, matangkad, at bilugan ang mga mata. Ang alam ko hindi niya ako kilala, ni hindi nga nya siguro alam na nag-eexist ako sa mundo, eh. Pero dumating ang pagkakataon ko para malapitan siya at maipakilala ko ang aking sarili. Masasabi kong naging kaibigan ko siya. Maraming nagsasabi sa akin na maarte at masama daw ang ugali ni Yvonne pero sa tuwina ay isang mabait at sweet na Yvonne ang nakikita ko. Nang mag camping ang girl scout sa school namin ay nagkaroon kami ng moment ni Yvonne, siya ang first real dance ko. (Pakshet! Kinikilig pa din ako pag naaalala ko yun!) Hindi ko na maalala kung paano at kung sino ang may dahilan kaya kami nakapagsayaw na dalawa. Take note slow/sweet ang naging dance namin. Nakakapit siya sa balikat ko habang nasa seksing bewang naman niya ang mga kamay ko. Siya ang nag guide sa akin sumayaw kasi sa totoong buhay ay talipa ang mga paa ko at para akong poste na nililindol dahil sa tigas ng katawan ko pero napakasweet ni Yvonne dahil nakangiti lang siya na inaalalayan ako sa buong durasyon ng pagsasayaw namin. That night was so amazing! Ngunit dumating ang araw na nalaman niya na may gusto ako sa kanya. Doon na nagsimula ang bangungot ko, nakita ko na ang sinasabing maarte at masamang ugali ni Yvonne. Lagi na niya akong iniiwasan at kung kausapin man niya ako ay laging pasigaw. Nawala na ang mga sweetness na pinakita niya sa akin noon dahil ayaw daw niya na may nagkakagusto sa kanyang tomboy at dahil sa kalungkutan kong iyon ay naging malapit ako sa bestfriend niya.

Assuming na Old Maid.comWhere stories live. Discover now