Joshua

444 17 0
                                    

Summer vacation ng may nag-offer sa akin na sumama sa pangangampanya at dahil kilala ng mga lola at mama ko ng personal ang kandidato ay pinayagan nila akong sumama. Doon ko nakilala si Joshua, ka barangay din namin siya at ang alam ko ay classmate siya ng pinsan ko. Gwapo si Joshua, malambing at masarap kasama. Kaya lang 5 years ang age gap namin 15 years old ako at siya ay 10, pero hindi naman halata mukha lang kaming magka-idad na dalawa pag magkasama kami kasi matangkad naman siya. Ewan ko ba parang siya ang pumalit kay Cecille, lagi din kaming magka holding hands at magkayupyupan. Pag sumasakay kami ng jeep madalas sa unahan kami naupo para solo namin ang isa't-isa. Noong magsayaw kami ng jingle ng kandidato ay siya ang kapartner ko. Wala naman kaming relasyon pero meron kaming 'something', ngunit dahil nasa iisang barangay kami at halos lahat ng mga kasama namin sa pangangampanya ay taga barangay din namin ay nakarating sa inay niya ang 'something' namin at dahil nag-iisa niyang anak si Joshua ay over protective siya dito, at si Joshua naman ay literal na Mama's boy at dahil doon hindi na kami nagpansinan hanggang sa matapos na ang eleksyon.

Assuming na Old Maid.comWhere stories live. Discover now