JM (Hon)

264 5 0
                                    

Madalas pa ring mag-outing ang mga barkada ni kuya Vincent doon sa resort na malapit sa amin at ng minsang may outing ulit sila ay dumaan sila sa bahay namin at ipinakilala niya sa akin si JM (John Martin), sabi nila kaya daw sila mag-a-outing ay dahil birthday ni JM. Super sweet si JM na nagparamdam na agad sa akin na type niya ako wala naman akong makitang masama sa kanya, kaya nung halikan niya ako na birthday gift ko daw sa kanya ay pumayag na lang ako. Ang tipo ng kasweetan ni JM ay tipong makakabuntis, kaya naman sa tuwina ay kabado ako. Naging boyfriend ko siya, masipag si JM at dahil sa may trabaho siya ay tuwing tuesday lang kami nagkikita pero mag hapunan naman inaabot pa nga siya minsan ng hating-gabi sa amin. Sabi ko nga sweet si JM pero habang tumatagal ay nabo-bored na ako sa relasyon namin at pati mismo sa kanya. Para na lang lagi akong napipilitan na pakisamahan siya. One time umattend kami ng debut party ng isang common friend namin, medyo nalasing ako kaya dinala ako ni Ronalyn (yung may birthday) sa kwarto niya para makapagpahinga. Hindi naman ako tutulog pero nakapikit ako dahil nga naliliyo ako. Maya-maya ay may pumasok sa kwarto hindi pa din ako nagmulat dahil inisip ko na lang na baka isa rin iyon sa mga kabarkada kong babae na gusto ding mahiga ngunit ng maramdaman kong may pumatong sa akin (nakatihaya kasi ako) ay nagmulat na ako ng mata. Si JM ang nakita kong nakaibabaw sa akin, bago pa man ako makapag salita ay hinalikan na niya ako sa labi nagulat man ako ay tinugon ko ang halik niya at iniyakap ko sa batok niya ang mga braso ko. Ramdam ko ang bigat ng bawat paghinga niya, ramdam ko din na ngayong oras na ito ay may nais siyang mangyari. Maya-maya ay nasa leeg ko na ang mga labi niya. He's hot pero ng maramdaman ko ang matigas niyang 'bagay' na nasa may binti ko ay bigla akong natakot. Itinulak ko siya at pinilit kong makaalis sa pagkakadagan niya. Tinanong niya ako kung bakit sinabi kong hindi pa ako ready saka inaya ko na siyang bumalik sa mga barkada namin hindi ko na siya hinintay na makasagot nauna na akong lumabas ng kwarto, in an instant ay parang nawala ang kalasingan ko, naisip ko na muntikan na ako doon. Mula noon ay naramdaman ko ng tumabang ang pakikitungo sa akin ni JM pero balewala naman iyon sa akin. Nagbabalak naman na talaga akong makipag break sa kanya humahanap lang ako ng tamang tyempo pero bago ko pa man nagawang makipag break sa kanya ay naunahan na niya ako. Nagalit ako nun dahil ramdam ko na parang nasagi niya ang ego ko. Pero all in all happy ako sabi ko pa sa sarili ko, tamang-tama bagong taon dapat bago ang boyfriend.

Assuming na Old Maid.comWhere stories live. Discover now