MJ

881 17 0
                                    

Grade 6 na ako ngayon and for the first time ay may nanligaw sakin na lalaki na tingin ko'y seryoso. Bakit ko nasabi? Well, pinuntahan lang naman niya ako sa bahay at nagpakilala siya sa lola at mama ko, (o, no say nyo? haha). Ang lalaking malakas ang loob na ito na tila walang takot, (pero wag ka takot yan sa ipis) ay walang iba kundi si Micheal James, mas kilala sa tawag na MJ. Okey naman si MJ- mabait, maalalahanin, at napi-feel ko talaga na girl ako when his around. Ang looks nya ay pwede na din hindi siya ganoon kapogi pero may dating siya dahil sa hindi pangkaraniwan sa isang grade 6 ang height nya na 5'7 or 5'8 ata, okey din ang built ng katawan nya. Basta all in all, he's fine. Masipag din siya, bakit ko nasabi? Well, sya lang naman kasi ang nagawa ng halos lahat ng mga projects ko, (hahaha). Yung last nga na project na ginawa nya for me (cross stitch ni winnie the pooh) ay naka frame pa din dito sa kwarto ko. Pero in the end ay binasted ko siya. Hindi pa kasi ako ready makipag boyfriend, gaya nga ng laging sabi ni Gel "bata pa ako" kaya yun!

Assuming na Old Maid.comWhere stories live. Discover now