Peada

227 5 1
                                    

Hindi ko nabanggit sa inyo kung bakit Education ang course na kinuha ko. The real reason why I took this course is because I was influenced by someone and that someone is Peada. I am in my senior year in high school ng maging practice teacher namin si Ma'am Peada. Boyish nerd si Peada pero napaka charming niya at napaka talino pa. Kung mapapansin ninyo malaking points sa akin kapag matalino ang babae. Ewan ko ba, siguro tama nga ang sabi ng marami na ang hahanapin mo sa isang mamahalin mo ay yung mga traits na wala sayo. Aminado naman kasi ako na hindi ako super smart, idagdag pa na nuknukang katamad ako mag-aral. Basta na lang ako napasok ika ko pa sa sarili ko, ano pang silbi ng matatalino kong mga kaklase kung hindi ko naman sila pakikinabangan (haha!) Okey balik tayo kay Peada, super hanga talaga ako sa talino niya. I Tried to court her pero ginulo lang niya ang buhok ko (to think na mas matangkad ako sa kanya) and then sabi niya- "Ikaw na bata ka! Wag mo na akong ligawan, hindi ako bagay sayo. Masyado na akong matanda at isa pa hindi pagmamahal ang nararamdaman mo para sa akin, paghanga lang yan. Ang mabuti pa ay mag-aral ka na lang, bata ka pa at napakarami mo pang makikilala in the near future. For now itreat mo na lang ako as your big sister kahit pa nga in reality ay mas malaki ka pa sa akin." Tapos nginitian niya ako at hinug. Basted ako pero ewan ko ba, mas humanga lang ako sa kanya at sabi ko sa sarili ko- someday I will be like her. Nung mag-graduate siya ay nanood ako, cum laude siya. Same day ang graduation namin, sa umaga kaming high school at sila nung hapon. Hindi na ako umattend ng celebration sa bahay namin, umuwi lang ako at nagbihis saka bumalik ako sa school namin eto na kasi ang last time na makikita ko siya, eh. Kinungratulate ko siya at ganoon din ang sinabi niya sa akin. Nung makuha ko ang year book ko, picture agad ni Peada ang hinanap ko. She's very cute talaga.

Assuming na Old Maid.comWhere stories live. Discover now