Mirriam

399 9 0
                                    

Mirriam is a new girl. Well, last year pa siya nag transfer dito galing Manila. Classmate ko siya ngayong 3rd year. 1st day pa lang ng class ay napansin ko ng pretty si Mirriam, medyo ka look-a-like niya si Maja Salvador ng slight kaya naman gumawa ako ng medyo lame na move. Pinuntahan ko siya sa upuan niya para lang magtanong kung may sharpener siya. Nang magtaas siya ng tingin sa akin ay nakita ko sa mata niya na nawiearduhan siya sa akin pero in the end inabot niya sakin ang 'kailangan' ko. Nung isoli ko yung pantasa niya ay nagpakilala na ako sa kanya at ganoon din siya sa akin. I never thought na magiging bestfriend at sis ko siya, kasi dahil sa laki ng crush ko sa kanya ay nag volunteer ako na sumali sa Frat nila as in dumaan talaga ako sa initiation yung pinapalo ng padel, popularly known as hazing. Hindi ko naman pinagsisihan iyon dahil all through out ng initiation ay si Mirriam ang screening commitee ko, eh hindi naman pala nung pahuli na ay yung boyfriend ko ng si Jericho ang nag screen sa akin, kasi hindi na ako carry ni Mirriam dahil sa dami na ng palo na inabot ko ay talaga namang gulay na ako. Habang pinapalo ako ng mga officials at mga members ng Frat ay kita ko na naiyak na si Mirriam sa pag-aalala sa akin dahil bakit nga ba naman ang hindi, kahit pa kasi kusang loob akong sumama dito ay hindi mababago nun ang katotohanan na siya ang responsable sa akin. Akala ko talaga katapusan ko na nung nag dilim ang paningin ko, buti na lang na revive agad ako. Grabeng hirap ang inabot ko mapalapit lang talaga ako kay Mirriam. Lahat din ng bisyo niya ay inadapt ko para lang maging 'in' ako sa kanya. Sigarilyo at alak, pati pagka cutting classes, basta ganoon. Madalas kaming magkasama at super close na talaga kami to the point na naghahati na kami ng isang candy ng bibig sa bibig, nagpapalitan kami ng usok gamit din ang bibig. Basta hindi ko na mabilang kung ilang beses ng naglapat ang mga labi namin pero alam ko naman na walang meaning yun sa kanya. Pati nga pala si Jericho ay pinaghatian din namin dahil nung mag break kami ni Jericho ay si Mirriam ang niligawan ng loko at sinagot naman niya, pero sandali lang din na naging sila dahil sa pag-arte ko na nagseselos ako. (Which is totoo naman pero hindi dahil gusto ko pa si Jericho, kundi dahil kay Mirriam na bestfriend ko na mahal ko na yata). Nag break sila dahil pinapili ko kasi si Mirriam kung si Jericho ba o akong bestfriend niya, good thing ako ang pinili niya. Napakadami pa niyang mga naging boyfriends at palagi akong nandoon, bilang third wheel/chaperone pero kahit minsan hindi ako nag reklamo dahil ginusto ko ito. I never got the chance to tell my feelings for her dahil natakot ako na mawala siya sa akin kaya nag kasya na lang ako sa pagiging bestfriend at sis niya.

Assuming na Old Maid.comWhere stories live. Discover now