Rachelle

1K 24 0
                                    

Si Rachelle ang black beauty and brain ng grade 6 section A. Nakilala ko siya dahil sa katalinuhan niya and same reason kaya ako nagkagusto sa kanya, (grade 5 pa din ako). Hindi kami naging magkaibigan ni Rachelle simply because may attitude siya. Pero ewan ko ba, kahit patanaw-tanaw lang ako sa kanya ay masaya na ako. Kahit pa nga pag nakikita niya ako ay iniirapan at tinataasan lang niya ako ng kilay. (expert siya sa pagtataas ng kilay, infairness!). One time inutusan ko ang classmate ko na ibigay kay Rachelle ang isang stuff toy na sinuotan ko ng necklace na para din sana sa kanya. Nang bumalik yung classmate ko ay agad kong sinalubong at tinanong kung ano ang sabi o reaksyon ni Rachelle doon sa pinabigay ko. Hindi pa man nakakasagot ang classmate ko ay dumating si Rachelle may kasama itong kaklase na sa pagkakaalam ko, e Princess ang pangalan.

"Excuse me, sino si Shannon?" She asked in no particular.

At that moment nakaramdam ako ng inis sa way ng pagtatanong niya na para talagang hindi niya ako kilala.

"Ako!" Walang emosyong sagot ko pero deep inside ay naiinis ako and kinakabahan at the same time.

'Why is she looking for me? Siguro magte-thank you dahil dun sa ipinabigay ko!'

Ngingiti pa lang sana ako ng bigla niyang iabot sa akin yung stuff toy na pinabigay ko kanina sa classmate ko, sabay sabi niya ng-

"Hindi ko kailangan yan!"

Pagkatapos nun ay tumalikod na siya at umalis. Naiwan akong hawak ang stuff toy, lahat ng mga classmates ko pati ilang mga uchesero at ucheserang mga studyante ay nakatingin sa akin!

Assuming na Old Maid.comOnde histórias criam vida. Descubra agora