Cecille

491 14 0
                                    

Si Cecille ay classmate at seatmate ko nung 2nd year. Mukha naman siyang mabait at malambing. Hindi siya gaanong kagandahan pero nadadala niya iyon dahil malakas ang confidence nya. Hindi nagtagal ay naging close na kami, madalas kaming mag holding hands kahit na nasa classroom kami at may klase, pag vacant ganoon din nakaub-ob ako sa kamay namin na magka holding hands, tapos siya naman ay nakaub-ob sa may batok ko. Sweet-sweetan kaming dalawa pero walang 'kami'. Pag may group project ay lagi pa rin kaming magkasama na syempre lagi pa ding magka holding hands. Ewan naka glue ata ang mga palad namin, minsan pag may lakad kami at mainit ay kino-coveran niya ng panyo ang batok ko para daw wag akong mangitim, maputi naman kasi talaga ako unlike her na kayumanggi ang skin. Basta super sweet si Cecille at maalaga, parang baby ang turing niya sa akin. Nang tanungin ko siya kung gusto ba niyang maging girlfriend ko ay ligawan ko daw muna siya. Na wierduhan ako sa kanya dahil hello naman para na kaya talagang girlfriend ko siya tapos gusto pa magpaligaw!? Humingi ako ng advice sa mga barkada ko kahit pa nga alam ko na sa simula pa lang ay ayaw na nila kay Cecille para sa akin. Tinanong nila ako kung mahal ko ba daw si Cecille. Hindi ako nakasagot agad dahil hindi ko naman talaga alam kung mahal ko si Cecille. Ang sinagot ko sa kanila ay 'gusto kong hawakan ang kamay ni Cecille at laruin ang mahahaba niyang mga kuko'. "Ay wag mo ng ligawan!" Ang halos iisa nilang sabi. Mula nga noon ay iniwasan ko na si Cecille, kahit pa nga siya ang first kiss ko sa lips pero smack lang.

Assuming na Old Maid.comWhere stories live. Discover now