Barkada

364 7 0
                                    

= Ken =

Si Ken ay nakilala ko dahil sa kapatid ng barkada at classmate namin ni Mirriam, si Marge. On the 1st meeting pa lang ay nag paramdam na siya sa akin na type niya ako. Hindi ko itatangging gusto ko din siya, bakit? Kasi cute naman siya, mabait, sweet, at higit sa lahat mayaman. Pansin ko na medyo out cast si Ken sa mga barkada ng kapatid ni Marge, kasi nung minsan na mag outing sina kuya Vincent (kapatid ni Marge) ay hindi siya kasama pero sumunod siya sa outing para lang ibigay sa akin ang isang stuff toy. Doon ko nalaman na kaya siya hindi kasama ay dahil may isyu sa pagitan nila ni Jundy. Dapat sasagutin ko na si Ken gusto din kasi siya ng lola ko kaya lang na turn-off ako sa 'sakit' niya, cleptomania- nangunguha siya ng mga cellphone kaya 'kilabot ng lasal' ang tawag sa kanya. Kahit can afford niyang bumili ng madami at iba't-ibang unit ng cellphone ay hindi niya mapigil ang magnakaw, kaya yun!

===================
= Jundy =

Ang isyu pala ni Ken at Jundy ay ako, may gusto rin daw pala sa akin si Jundy. Kaya lang ang tipo ni Jundy ay hindi ko masyado type, kasi bukod sa out of school youth siya, tambay, mabisyo, at may pagka bad boy talaga ang image niya, although mabait naman siya at napaka galing rumespeto. As a friend sobrang gusto ko siya... as in! Pero as more than a friend, e medyo tagilid!

===================
= Ric =

Kabilang din sa barkada ni kuya Vincent si Ric. Nanligaw din siya sa akin- gwapo si Ric para siyang si Lei ng meteor garden, ganoong-ganoon ang itsura pati ang personality niya pero nag dalawang isip ako na sagutin siya dahil sa tingin ko ay 'paglalaruan' lang niya ako, hindi sa hindi ako marunong 'makipaglaro'. Hindi lang ang tipo niya ang gusto kong 'makalaro' dahil alam kong sa huli ako ang masasaktan. Nag enjoy na lang ako sa saglit na kasweetan namin pero hanggang doon na lang iyon.

Assuming na Old Maid.comWhere stories live. Discover now