Mitch

240 7 0
                                    

Si Mitch ay Prof. ko sa logic na matalino at magaling magsalita, no wonder dahil cum laude lang naman siya nung grumaduate sa kursong B.S. Political Science. Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil hibang na hibang ako sa kanya at kahit hindi siya kagandahan ay naging stalker niya ako. Bawat klase niya at room niya sa araw-araw ay alam ko, halos nagka-cut na nga ako ng klase ko para lang masundan ko siya lagi. Every now and then ay gusto ko lang siyang makita ganoon lang masaya na ako. One time nagpa deliver ako ng flowers sa school para sa kanya, luckily absent siya dahil kung nagkataon ay naku... Kinabukasan na niya nakuha yung flowers sa faculty ng department nila. Nung last period na niya ay inabangan ko siya sa labas ng roon nakita niya ako at binati ko siya. Hindi ko akalaing lalapitan niya ako at makikipag-kwentuhan siya sa akin, chance ko na para itanong sa kanya yung about sa flowers, sabi niya ay natakot daw siya dahil para daw atang may stalker siya hindi naman ako magkaintindihan sa upo ko, alam nyo na guilty ako, eh. Hanggang sa magpaalam siya ay masaya ako atleast may na achieve ako ngayong araw na ito. Sunod na semester ay humanap ulit ako ng subject na siya ang teacher at ng makakita ako Pol. Sci. na Accountancy ang mga classmates ay agad akong nag enroll doon, tinawanan niya ako ng makita niya ako sa klase niya ulit sabi pa niya ay sinusundan ko daw talaga siya sabi ko naman natural favorite kita, eh! Nung sumunod ulit na semester ay ganoon ulit ang ginawa ko- Rizal, HRM naman ang mga classmates ko! Wala, eh! Obsess talaga ako sa kanya! :-)

Assuming na Old Maid.comWhere stories live. Discover now