Jhona (Mhine)

192 4 0
                                    

Tapos na ako ng college pero next year pa ako makakapag marcha sa entablado dahil summer graduate ako. Three months akong namahinga habang iniisip ko kung ano ba ang gusto ko at ang ending ay nag-apply ako sa isang supermarket sa mall. Bakit dito ako napadpad? Hindi ko rin alam. Kagaya ko, applicant din si Jhona unang kita ko pa lang sa kanya ay mainit na ang dugo ko sa kanya. May ganoon naman talaga di ba? Na kahit hindi mo kilala ay kinaiinisan mo. Tingin ko she's a slut kasi wala na siyang ginawa kundi makipag flirt sa ilang mga male applicants. Sunod na linggo bumalik ako sa mall para sa final interview at nandoon din si Jhona, binati niya ako at feeling close na nakipagkwentuhan siya sa akin and at that very moment nawala na ang masamang impression ko sa kanya. Nalaman ko na masyado lang talaga siyang friendly at napakasweet din niya. 5 years ang tanda ko sa kanya pero naging close kami dahil kami lang dalawa ang babaeng nakapasa sa mga nag-apply. One time nagkayayaan sila nung dalawang lalaki na kasama din namin mag-apply, (yung mga kalandian niya dati). Pinilit akong sumama ni Jhona dahil ayaw daw niyang sumama sa mga iyon kung mag-isa lang siyang babae. Sumama naman ako doon lang naman kasi kami sa mall, nag-arcade lang kami at kumain. Si Mark at JC yung kasama namin, akala ko bf ni Jhona si Mark, hindi pala. Noon lang din daw niya nakilala ang dalawa sa applayan. Unti-unti ay nagustuhan ko si Jhona dahil madalas niyang sabihin na maganda ako (haha). Halos araw-araw na kaming magkatext at napag-alaman ko na may boyfriend siya, naikwento ko na rin sa kanya ang tungkol kina Ivy at Ferdie. Hindi ko malaman kung bakit tinanong ko siya kung gusto ba niyang maging girlfriend ko, well maganda si Jhona kamukha nga niya si Nikki Gil tapos sexy at sizzling hot pa siya kaya naman nung pumayag siyang maging girlfriend ko ay sayang-saya ako, kahit pa nga parehas kaming taken. Mas naunang nakapasok si Jhona sa trabaho bilang selling clerk dahil nagkasakit ako habang nagtetrainning. After two weeks nakapagtrabaho na din ako bilang cashier, lagi kaming naglalandian ni Mhine ko ng palihim, masarap siyang girlfriend, sweet, at cool. Madalas sa bahay siya natutulog dahil nagbo-board siya. One night after naming gumawa ng milagro ay nakatulog agad ako at sa kalagitnaan ng gabi ay ginising niya ako dahil tumawag daw ang boyfriend ko si Ferdie kinukumusta ako, tinanong ko kung anong sinabi niya wala naman daw, sinabi lang daw niya na tulog na ako. Hindi na ako nag comment niyakap ko na lang siya at yumakap na lang din siya sa akin at natulog na kami pareho. Nagtuloy ang masaya naming relasyon kahit pa nga kabilaan ang mga iba pa naming karelasyon. One time nga nadaan ko siya, angkas ako sa motor ng boyfriend kong bagger at siya naman ay may kasama ding lalaki na kapwa niya selling clerk na ang alam ko ay bf din niya. Nagtanguan lang kaming dalawa, ang cool di ba. Walang official closure na nangyari sa amin basta nagkawalaan na lang, ayawan na ganun.

Assuming na Old Maid.comWhere stories live. Discover now