Chapter 30

692 11 2
                                    

Continuation

George's POV

"Bakit ka ba sumusunod saakin?!" Galit na sigaw ko dito sa lalakeng kanina pa ako sinusundan simula ng matapos ang panghuling klase ko.

Sino pa nga ba? Kung hindi itong si aaron achuchu ewan na ito. Nababanas na ako sa kakabuntot niya saakin talagang tinotoo yung 'hindi kita tatantanan' niya na banta saakin kanina. Kaloka! Kulang na lang pati sa loob ng c.r eh sundan ako. Dahil tapos na ang klase ko at mukhang hindi pa tapos sa basketball practice si hubbyko ay pupuntahan ko na lang siya sa gym nitong university.

"I told you hindi kita tatantanan." Sabi ng mayabang na sunod ng sunod saakin. Hindi ko na lang papansinin bahala siya magmukhang aso na sunod ng sunod sa likod ko.

Nang makarating ako sa gym ay totoong hindi pa din sila tapos sa practice. Hindi pa ako nappnsin ni andrei kasi nakatalikod siya saakin at sinusubukan i-shoot yung bola. Yung ibang ka team mates niya naman na nasa bleacher lang ay agad na kinantywan ang asawa ko.

"Ayan na ang inspirasyon mo andrei!!"

"Yun oh! Dumating na ang pampagana ni hubbyko! Hahahaha"

"Hi george!"

"Pumopogi este gumaganda lalo george ah!"

Natatawa na lang ako sa mga kantyaw nila. Sanay na ako since mga nakakalaro ko din naman sa basketball yang mga yan dati nung full pledge tomboy pa ako. Lumingon naman si andrei sa kinaroroonan ko at sinenyasan ko siya na uupo lang ako doon sa kabilang bleacher at ngumiti naman siya sabay tango.

Inaayos ko yung laman ng bag ko dahil sobrang kalat halatang hindi babae ang may-ari. Busy busyhan ako dito ng may mahsalitang asungot sa tabi ko. Akala ko wala na ito yun pala nananahimik lang dito sa may likod ko para talagang aso.

"Yun ba yung asawa mo?"

Hindi ko siya sinagot. Bahala siya magkukuda diyan. Wala akong pakialam sakanya. Muli akong lumingon kila andrei at nakita kong tapos na sila at isa isa ng nagsisipasukan sa shower room. Upang makaligo at magbihis.

Tahimik lang ako dito habang hinihintay si andrei. Pero yung asungot sa likod ko hindi maubos ubusan ng sasabihin. Kairita!

"Hmmm not bad. Okay na sa wala."

Anong pinagsasasabi nitong okay na sa wala?! Nakaka-kulo ng dugo ha! Hindi ko nga ulit pinansin. Bahala siya diyan basta ako okay lang mapanisan ng laway dito huwag lang siya makausap.

Maya maya pa ay nakita ko na ulit na lumabas si andrei sa shower room nila at naglalakad na sa direksyon ko dala dala ang malaking bag niya. Ang gwapo talaga ng asawa ko!

Nakangiti ko siyang sinalubong at nakangiti din siya . Ngunit nawala ang ngiti niyang iyon ng makita niya ang lalakeng nasa likuran ko. Nakaramdam ako ng tensyon. Kung bakit ba naman kasi hindi na lang siya naglaho kanina sa likuran ko eh.

"Hi hubb~~ay!" Nagugulat kong hiyaw ng hilahin ako ni andrei palapit sakanya at ipinulupot nito ang braso sa may bewang ko. I know hindi dapat ito ang time para kiligin ako dahil sa tensyon na namumuo sa dalawang lakake kasama ko pero kasi totoong kinikilig ako ngayon dahil sa ganung gesture ni andrei! Very teritorial ba tawag dun o possesive? Ah basta kinilig talaga ako!

"Who are you?" Matigas na tanong ni andrei kay aaron. Tinignan ko ang ekpresyon ng kanyang mukha. Mababakas dito ang galit at selos?

"Woah there! I'm Aaron Michael San Luis." Pakilala ni aaron sa kanyang sarili kay andrei at nag extend pa ng kanyang kamay para makipag shake hand ngunit hindi iyon tinanggap ni andrei. Kung kaya't nappahiya niyang binawi ang kamay niya sabay pasok nito sa kanyang bulsa.

Operation : Make That Tomboy Fall for meWhere stories live. Discover now