Chapter 33

1.1K 15 1
                                    

Continuation

Goerge's POV

Napamulat ako ng mata dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Umaga na pala at magtatangka sana akong bumangon kaso naramdaman ko yung sakit down there. Then realization hits me. Nilingon ko ang katabi ko ngayon na mahimbing pa din ang tulog at nakayakap ang kaliwang braso sa may bewang ko.

'Ginawa nga namin kagabi!'

Nahiya ako at napatakip ng sarili ko dahil bukod sa nakahubad pa pala ako ay naalala ko yung mga nangyari kagabi!

Dahan-dahan kong tinanggal ang braso ni andrei na nakayakap sa bewang ko at dahan-dahan pa din akong bumaba sa kama para hindi ko magising si andrei na himbing pa din ang tulog. Hindi ko mahanap yung damit ko kagabi kaya iyong puting long sleeve na lang ni andrei ang pinulot ko para maisuot ko sa katawan ko.

Lumabas ako sa kwarto ni andrei at bumaba patungo sa kusina dahil ramdam ko na talaga yung pag-alburoto ng sikmura ko. Kagabi pa ako walang kain. Tinignan ko yung mga pagkain na nakahanda sa mesa buti na lang at naisipan kong takpan ito kagabi habang naghihintay sa pagdating ni andrei kaya natitiyak kong wala namang dumi ito o kahit ano. Una kong ginawa ay nagsaing muna sa rice cooker. Kahit papaano ay alam ko naman kung papaano magluto ng bigas. Tinuruan ako noon ni mommy kasi sabi niya dapat daw ang babae ay marunong sa gawaing kusina na hindi ko naman pinapakinggan that time.

Habang hinihintay ko maluto yung bigas ay kinuha ko naman sa mesa yung natatakpang kaldereta at isinalang ko sa microwave para initin. Sinunod ko naman ay yung roasted chicken. Nakakagutom yung amoy ng food.

"What are you cooking for breakfast wife?"

Nagulat ako sa biglang pagsalita ni andrei sa may likuran ko. He's back hugging me at hindi ako masyadong makakilos dahil sa higpit niyon. Hindi naman ako nasasaktan or ano pa man, sa totoo lang masarap siya sa pakiramdam and I feel safe and it is also feels like home.

"I thought iniwan mo ako. Wala ka kasi sa tabi ko when I woke up."

Malambing na sabi niya at mahihinigan doon ang konting takot. Bakit parang lalong naging gwapo sa paningin ko itong si andrei ngayon?

"Iniwan agad? Nagutom lang ako kaya bumaba ako dito para initin yung mga food na hinanda ko kagabi na hindi naman natin nakain."

I hear him chuckle. May iniisip nanaman ito na kakaiba kaya ganyan ang naging reaksyon niya sa sinabi ko.

"Iba kasi ang kinain ko kagabi kaya hanggang ngayon ay parang busog pa din ako."

Sinasabi ko na nga ba! At kumindat pa talaga ha! Inirapan ko nga. Kainis pinaalala nanaman niya saakin. Nawawala tuloy ako sa sarili ngayon dahil naisip ko nanaman yung nangyari kagabi.

"A-ang bastos mo!"

"Bastos? Bakit naman?"

"Ewan ko sa iyo Andrei! Hmp!"

Walk out ko ng matapos ko na initin ang mga pagkain at inilapag isa-isa sa mesa. Naramdaman ko nanaman ulit yung yakap niya saakin from behind.

"Hey, are you mad? I was just joking wife."

Hindi ako kumibo at hindi din ako kumikilos para makaharap sakanya. Kunwari galit galitan ako. Hehehe. Let's see kung ano gagawin nitong gwapo kong asawa.

"I'm sorry wife."

Paghingi niya ulit ng paumanhin. Pfft! Nakakatawa itong lalakeng ito. Inisip niya talaga na magagalit ako dahil doon? Nahihiya oo pero magagalit? No way! Naramdaman niya siguro ang pag-galaw ng balikat ko. Mukha tuloy para akong umiiyak dahil nakahawak ako sa bibig ko para hindi lumakas iyong pagtawa ko.

Operation : Make That Tomboy Fall for meWhere stories live. Discover now