Chapter 17

748 17 0
                                    

A/N: yosh! next update ulit...

dedicated to princessdeguzman946 for the book cover..thanks..

ENJOY!!^^

=========================================================

CONTINUATION :

Andrei's POV

alam nyo yung masakit? ito yun. yung nararamdaman ko ngayon shete lang! pagkagising ko ngayong umaga ramdam na ramdam ko pa din yung sakit. oo inaamin ko kagabi nung pumasok siya sa bahay muntikan ko siyang yakapin at magmakaawa na ako na lang yung piliin nya. pero pinigilan ko ang sarili ko. nagtatampo ako? oo na may kasamang galit.

dumiretso ako sa mini bar at kumuha ng almusal ko ang alak. ito lang ang kailangan ko ngayon.

'mahal na mahal na kita'

yan lagi ang paulit ulit na sinisigaw ng puso at utak ko. bakit ngayon pa? kung kelan naman ang isang playboy na tulad ko ay natututo muling magmahal.

carlo calling...

napatingin ako sa cellphone ko. tumatawag si carlo.

"yow pards!! kumusta na? ano na balita?hehe"

"oh carlo.."

"wow! ang taas ng energy pards ha?!basted ka noh?hahaha"

"wala ako sa mood carlo."

"oohh~~~ano ba nangyari?"

"mabuti pa puntahan mo na lang ako dito sa bahay."

"okay. okay. mukhang mapapasabak nanaman ang atay ko sayo ah."

binaba ko na ang tawag baka kung ano pa lumabas sa bibig nun na kalokohan eh.

nagsalin ulit ako ng whiskey sa baso ko. bawat pag guhit ng init ng alak sa lalamunan ko ay parang sinasabayan din nito ang hapdi ng nararamdaman ko.

ano na kayang ginagawa nya ngayon? masaya kaya siya sa piling nung 'kaibigan' niya? parang kahapon lang ang saya saya ko. kasi sa wakas naipakita at naiparamdam ko din sakanya ang nararamdaman ko. sobrang saya ko na malaman na mahal niya na din ako kahit pa hindi niya direktang sinabi saakin.

nakalimutan kong kapag sobrang saya ng nararamdaman mo ngayon asahan mo na may kaakibat din itong lungkot at pighati. iyon ang hindi ko napaghandaan. nakalimot ako. hindi dapat ako nagpadala masyado sa kaligayahang nadama ko. kung alam ko lang na panandalian lang pala iyon ay mas minabuti ko na lang sana ang manahimik at itago ang pag ibig ko sakanya.

maya maya pa ay naramdaman ko na ang prisensya ni carlo. tinapik niya ako sa likod tanda na nandito na siya. umupo siya sa katabi kong high stool.

"game! kwento!" sambit nya sabay salin ng alak sa sarili nyang baso.

"peste pards! ang sakit pala talaga ng pag ibig noh?!"

"oo naman. wala namang pag ibig na hindi ka masasaktan eh." sagot niya saakin.

"alam mo pards sa pag ibig hindi mo maiiwasang hindi masaktan. nagmamahal ka eh. its a natural thing when it comes to loving a person with all of your heart. dahil sa sakit na yan kaya mas lalo mong napapatunayan sa sarili mo na mahal mo siya. hindi mo man kinuwento saakin ang totoong nangyari. pero ito lang ang maipapayo ko saiyo. magtiwala ka sakanya. dahil naniniwala akong may dahilan siya kung bakit iyon ang naging desisyon o ginawa ng asawa mo."

"masakit pa din pards.mahal na mahal ko na siya eh. iba ito dun kay sophia nicole." iyon na lang ang tanging naisagot ko kay carlo.

'sana nga may maganda kang dahilan asawa ko'

Operation : Make That Tomboy Fall for meWhere stories live. Discover now