chapter 5

1.9K 59 4
                                    

A/N : sows!..ang damot naman sa votes at comments ng mga readers ko..T^T

ayos lang mga tol..alam ko namang mahina talaga ako sa inyo..geh ganyan naman eh..

pero dahil sa mahal ko kayo..nag-update pa din ako..tsk tsk..

============================================================

*CONTINUATION*

buong gabi hindi mapakali si andrei dahil sa nangyari sakanila ni george..so ang ending daig nya pa ang naka-droga sa pula ng mata at laki ng eyebags nya ngayon..

tinignan nya ang oras..5:30 pa lang ng umaga..sinulyapan nya si george..tulog na tulog pa din ito at pinanindigan ang layo ng pwesto sakanya..lumapit naman sya dito at..

"tsk..pasaway talaga" sambit ni andrei habang pinagmamasdan ang maamong mukha ni george..

"alam mo ang ganda mo..siguro kung maaga kitang nakilala hindi ko hahayaang maging tomboy ka..baka nga hindi ko na hinintay na ipagkasundo tayo eh..ako na mismo ang mag-aaya sayong magpakasal..pero hayaan mo balang araw magiging babae ka din para sakin.." bulong ni andrei habang hinahaplos ang mukha ni george..

dali-daling tumayo si andrei at iniiling iling ang ulo na para bang natauhan sa mga pinagsasabi nya..hindi nya malaman kung bakit ganun ang nasabi nya..may kung anong emosyon ang nagtulak sakanya para sabihin yun..nilagay ni andrei ang palad nya sa kanyang dibdib..

"ang abnormal na ng puso ko.." sambit ni andrei sa sarili..habang pinapakiramdaman pa din ang bilis ng tibok ng kanyang puso na ngayon nya palang naranasan..

kinuha ni andrei ang makapal na jacket nya at lumabas ng kwarto nila..iniisip nya marahil dala lang ng nangyari sakanila kagabi kaya ganun yung kinilos nya..

"mabuti pa ibili ko na lang sya ng pang-peace offering..oo tama!..baka sakaling mawala tong nararamdaman ko ngayon..sigurado guit lang to..psh!" bulong ni andrei sa sarili habang naglalakad lakad sa parang tiangge market dito sa shibuya-ku ,tokyo..since 8am na ng umaga kaya halos lahat ng tindahan doon ay bukas na..

naghanap si andrei ng mga anime stuff toys..napag-alaman nya kasing mahilig si george sa mga anime..sakto naman na may nakita syang tindahan ng mga stuff toy..at kapag sinuswerte ka nga naman nakita nya dun ang favorite character ni george na si kirito-kun ng sword art online..

"Ohayou Gozaimasu!!" bati kay andrei nung tindero

"Dono Kurai?" tanong ni andrei sa tindero na nag-aayos ng mga paninda nito sa labas ng tindahan..[Dono Kurai = How much]

"Yon Sen" nakangiting sambit sakanya nung tindero..[Yon Sen = 4,000]

"Daijobu watashi wa kore o toru yo" sambit ni andrei sabay abot ng bayad sa tindero..[Daijobu watashi wa kore o toru yo = okay, I'll take this]

"Hai!..koko ni aru..arigatou gozaimasu!!" tuwang tuwang inabot sakanya ng tindero yung pinamili nya..sabay alis nya at naglakad na ulit pabalik sa hotel nila ni george..[Hai! koko ni aru, arigatou gozaimasu = yes, here it is..thank you]

"sana tulog pa sya..para naman masorpresa sya.." bulong ni andrei sa sarili nya na nakangiti pa habang pumasok sa hotel nila..

bago umakyat si andrei naisipan nyang samahan ng note yung ibibigay nya kay george..kaya dumeretso sya sa may reception at nanghiram ng papel at ballpen..pagkatapos nyang magsulat ay umakyat na sya patungo sa room floor nila..

Operation : Make That Tomboy Fall for meWhere stories live. Discover now