Chapter 31

760 12 1
                                    

Continuation

Author's POV

Mabilis na dumaan ang mga araw. Nandoon yung lagi parin nakabuntot si aaron sakanya na parang aso. At may paminsan minsan din na nahuhuli niya si sophia nicole na harap harapang nilalandi ang asawa niya pero parang wala lang para kay andrei at malaki naman ang trust niya sa kanyang asawa na siya lang ang mahal nito. At ngayong buwan na ito ay ang first year anniversary nila andrei at georgina. Kaya naman abala sa paghahanda sila jess at georgina ng surprise para sa asawa.

"Seryoso ka ba dito jesselyn?! Parang wala na akong suot dito ah!"

"Oo naman. Gaga! Kaya nga lingerie eh! Kasi you need to seduce your husband."

Nasa kwarto sila ni georgina ngayon at pinaghahandaan ang "a perfect anniversary present for my husband" kuno nitong baliw niyang kaibigan.

'Hindi kaya sipunin ako dito mamaya?'

Sabi ni georgina sa isip. Dahil kinakabahan siya sa naisip na ito ni jess. Ang sabi naman ng kaibigan ay isa ito sa mga recipe kung bakit mas nagiging matatag ang relasyon ng mag-asawa. Pero kasi baka magalit ang mga magulang niya once na malaman nito na may nangyari na sakanila ni andrei. Hindi ba at kabilinbilinan ng mommy niya na maging responsable siya sa mga actions na gagawin niya? Pero mahal ko si andrei. And I want him to be happy and I want to fulfill my duty as his wife.

"Anong oras ba dating ni andrei?"

Tanong ni jess sakanya na nagpabalik ng kanyang isip sa kasalukuyan. Nasa basketball practice ngayon si andrei at naghahanda para sa laban nila ng kabilang university.

"7:00 ng gabi. Huwag ka ngang atat alas tres palang ng hapon. Buti nga at tapos na lutuin yung mga pagkain eh."

"Aba'y dapat lang maaga tayo matapos sa paghahanda ng mga pagkain noh! Para may time ka pa mag-beauty rest."

"Kelangan pa ba yun?"

"Gaga! Syempre naman! Ano haharap ka sa asawa mo mamaya na haggard ang itsura? Baka mawalan ng gana yun?"

Tatawa tawang paliwanag ni jess kay georgina habang namimili ng susuutin ng kaibigan mamaya sa dinner nilang dalawa.

"Ay pak 'to george! Ganda oh!"

Nagugulat na sumunod naman si georgina sa kinaroroonan ni jess. At tinignan ang sinasabi nitong maganda. Isa iyong tube cocktail dress na itim na may red sa bawat gilid nito at lalo pang nagpdagdag atrajsyon dito ay ang saraduhan sa likod na tanging itatali lang ng pa-ribbon na kapag hinila ay paniguradong walang kahirap hirap. Hindi niya maalala na may ganyan siyang damit diyan sa closet niya. Marahil ang mommy niya ang naglagay ng mga iyon. Siguro talagang naramdaman na nila noon pa na may pag-asa pa siyang maging babae ulit.

"Oh ito susuutin mo ha. Tapos mamaya magpalit ka nung lingirie na nabili ko para sayo. Pero parang hindi mo na yata iyon magagamit mamaya kasi panigurado dito palang sa suot mo eh baka hindi na makapaghintay si andrei na makapagplit ka."

Napapahagikgik na sabi ni jess dahil sa imahinasyon na naglalaro sa kanyang utak.

"Ang manyak mo tol!"

"Hoy! Anong manyak!? Totoo lang yung sinasabi ko noh! Em so eggzoited george!"

"Bakit ikaw pa ang mas excited? Ikaw ba makikipag-tutut mamaya?"

"Hahahaha! Excited lang ako para sa best friend ko na mabibinyagan na mamaya!"

Halos mabilaukan si georgina ng sariling laway dahil sa sinabi ni jess. Baliw talaga kahit kelan! Sa isip isip niya.

Operation : Make That Tomboy Fall for meWhere stories live. Discover now