chapter 4

1.8K 55 8
                                    

A/N : heto na po yung update ko mga tol..matagal ba??..oh eh ano naman?!..hahahaha..joke lang..^^

see picture of jess on the right side -------->>>>

EnjoY!!^^

================================================================

***Ang Pagpapatuloy***





medyo late nang nakarating sila neil sa bahay nila george kung kaya naman...nagulat pa sya ng pagkapasok nila ni george sa may gate ay sinalubong agad sya ng daddy nito...







"bakit lasing na lasing nanaman itong si georgina?" tanong agad ng daddy nito kay neil..







"ahh..tito ayaw magpa-awat eh..pero pinipigilan naman po namin syang uminom ng madami kanina..sorry po" paghingi naman ng pasensya ni neil..habang ihinihiga nya si george sa kama nito..







"hindi sige..salamat sa paghatid sakanya iho ha..naabala ka pa tuloy.." sambit naman ng daddy ni george







"naku wala po yun..hindi po nakaka abala sakin si george este georgina po pala..hehe..napaka-halaga sakin nyang si george eh.." sagot naman ni neil..







"alam ko yan iho..at nakikita ko naman..halos sabay na kayong lumaki nyang anak kong yan eh..kaya nga siguro nagkaganyan yan eh..dahil lalake ang naging kalaro nya at kaibigan nya..hindi sa sinisisi kita iho ha..pero neil may itatanong lang sana ako sa'yo..sana wag mong masamain ha?.." mahabang litanya ng daddy ni george..







"ah..oo naman po sige..ano po ba yung itatanong mo tito?" tanong naman ni neil..







"kasi napansin ko lang..yung the way na itrato mo si georgina..parang higit pa sa kaibigan kung ituring mo..ito base lang to sa observation ko ha..mahal mo ba ang anak ko?" diretsong tanong ng daddy ni george kay neil..





*cough*cough*cough





halos masamid na ng sarili nyang laway si neil dahil sa biglaang tanong ng daddy ni george sakanya..kaya't heto sya..di malaman ang isasagot..kaya nag-isip sya ng ipapalusot..ayaw nyang malaman nito na mahal na nya si george..baka magalit sakanya..ngayon pa na ikakasal na si george..baka isipin lang ng daddy nito na isa syang malaking banta kapag nagkataon..buti na lang nagsalita ulit ito at...







"di mo naman kailangang sagutin pa yun..hahaha..nagbibiro lang ako..kalimutan mo na lang yung mga sinabi ko at tinanong ko..alam ko namang parang kapatid lang ang turing mo kay georgina ko eh..hindi ba?" sambit naman ng daddy ni george







"a-ha-haha..oo naman po..palabiro talaga kayo tito.." pautal utal na sagot ni neil dito sa kausap nya..







"hindi mali ka ng iniisip tito..MAHAL KO SYA HIGIT PA SA KAIBIGAN.." sa isip isip ni neil...gusto nyang sabihin sa daddy ni george yan..pero pinigilan nya ang sarili...parang pakiramdam nya ngayon...ang ipinapahiwatig ng daddy ni george sa mga sinabi nito sakanya ngayon ay tapusin o putulin kung ano mang namumuong pagtingin nya kay george..dahil alam ng daddy nito at alam nya mismo sa sarili nya na masasaktan lang sya kapag nagpatuloy pa ang kahibangan nya..







"oh sya umuwi kana iho..gabi na din..mag-iingat ka sa pagmamaneho ha?..salamat ulit.." pagpapasalamat naman ng daddy ni george kay neil.







Operation : Make That Tomboy Fall for meOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz