Chapter 18

814 21 0
                                    

A/N: here is the update guys..

========================================================

CONTINUATION

George's POV

kinakabahan ako. lunes kasi ngayon at may pasok na ulit. sabay kami ni  neil papunta sa school. makikita ko na siya. kumusta na kaya si andrei. aminin ko man sa hindi talagang miss ko na siya. miss ko na ang mga corny niyang banat na kinikilig din naman ako.

"ready kana tol?" tanong saakin ni neil.

nandito pa din ako sa loob ng kotse nila at kinokondisyon ang sarili. kinakabahan talaga ako. ewan ko ba baka naman nasasabik lang akong makita si andrei kaya ako nakakaramdam ng kaba ngayon kasi hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nagkita na ulit kami. alam kong galit pa din siya saakin ngayon..pero handa akong magpaliwanag sakanya. para malinawan siya at bumalik na kami sa dati..

"o-oo.." alanganing sagot ko.

nauna ng lumabas si neil at sumunod naman ako. nagulat pa ako ng makita ko siya na lumabas din sa kotse. nagkatitigan kami pero ako na din ang unang nagiwas ng tingin. wala akong makitang emosyon sa mga mata niya. ganun na ba talaga siya kagalit sa naging desisyon ko?

"i'm sorry kung nailagay kita sa ganitong sitwasyon george" hinging paumanhin ni neil saakin.

"huwag mo na sisihin ang sarili mo. ako ang nagdesisyon kaya ako ang may kasalanan nito." sagot ko para hindi niya na sisihin pa ang sarili niya.

kaya nagtulog tuloy na lang ako sa paglalakad habang nakasunod naman saakin si neil. all eyes on me. bakit kaya?

pagkapasok ko sa loob ng room bumungad agad saakin ang dalawang taong hindi na nahiya sa mga nakakakita sakanila at doon pa talaga nila nakuhang maglampungan sa harap ng mga kaklase namin. andrei at melissa.

hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. bakit siya nakikipaghalikan sa ibang babae? akala ko ba mahal niya ako? kasinungalingan lang ba yun?

unti unti akong nanghihina. kelangan ko ng suporta. pakiramdam ko para akong kandilang nauupos habang pinagmamasdan ko sila sa kanilang ginagawa. pakiramdam ko tutulo na ang mga luha ko. pero hindi pwede. hindi nila pwedeng makita na mahina ako. si george ako. pusong lalake ako di ba? so dapat matigas ako.

bigla na lang naramdaman ko na may humila sa kamay ko at namalayan ko na lang na nandito kami sa may garden ng school. inangat ko ang aking mukha. si neil pala. buti na lang nakaalis na ako dun.

napahagulgol na ako ng tuluyan. ganito pala kasakit ang masaktan. ngayon alam ko na ang pakiramdam ni neil at marahil ni andrei.

"shhh..tahan na.." pag alo saakin ni neil habang yakap yakap niya ako.

"n-neil ang s-sakit sakit!" sambit ko sa pagitan ng pagiyak ko.

"grabe! hindi ko napaghandaan to eh! wala man lang warning! ang sakit sakit tol! pero bakit ganun kahit nasasaktan ako ngayon siya pa din ang naiisip at tinitibok nito?!" sambit ko pa sabay hampas ko ng mahina sa dibdib ko.

"ganun naman talaga sa pag ibig di ba? walang warning. wala din go signal. once na naramdaman mo na ayun na yun. wala kanang kawala. kelangan lang handa ka dapat sa mga consequences. at yun ay ang heart break.haha. yun ang magpapatatag sa iyo. kaya tahan na. malalagpasan mo din ito. panalaminan mo na lang ako. tignan mo nakakaya ko pa din lahat kahit na dalawang beses mo na akong na turn down." paliwanag ni neil habang hinahaplos pa din ako sa likod. medyo gumaan na ang loob ko.

'kakayanin ko ito dahil mahal ko si andrei. hindi ko siya susukuan.'

"salamat neil. medyo gumaan na ang pakiramdam ko." pagpapasalamat ko kay neil.

Operation : Make That Tomboy Fall for meWhere stories live. Discover now