Chapter 38

586 6 1
                                    

Continuation

"Are you feeling a little better now?"

"Somehow. Thank you Aaron."

"Don't mention it. I just wanted to help."

"Uhmm. Nahihiya ako sa iyo."

"Dahil?"

"Dahil naabala pa kita. "

"Hindi abala para saakin ang tulungan ka georgina."

"Kahit kailan hindi ka magiging abala para saakin. Call me anytime and I'll be there."

"Superman ikaw ba iyan? Joke lang."

"Kung kinakailangan na maging si superman ako para lang makasama kita lagi at maprotektahan. Why not?"

"Thank you talaga."

Nakabibinging katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa. Maggagabi na din at halos lahat ng rides dito ay sinubukan ni georgina. Nais niyang makalimutan pansamantala ang bigat na nararamdaman niya ngayon kaya saglit niya itong kinalimutan. Ngunit ngayon nga na nakaupo sila ngayon ni aaron sa isang bench sa may tagong parte ng parke ay muling nanaman nanumbalik sakanya ang lungkot at sakit.

'Sigh'

Malalalim na buntong hininga ang kumakawala sakanya ngayon dahil kahit anong gawin niyang takas sa nararamdaman niyang sakit ay hindi niya magawa. Bakit sa tuwing masaya ka ay laging kakamabal nito ang lungkot? Mga katanungan na pumapasok sa isipan ngayon ni georgina habang nakatingala siya sa langit na papadilim na at may kakaunti na ding mga bituin ang naglalabasan.

"Do you want to go somewhere else?"

Nabali lamang ang malalim na pagiisip ni georgina ng tanungin siya ni aaron kung saan pa niya gustong pumunta. Nagisip siya, isa lang ang gusto niyang puntahan ngayon ngunit gusto niya na talagang mapagisa. Kaya't sinabi niya na gusto niya ng umuwi ngunit ang totoo ay may puountahan pa siya.

"I'm always here georgina. Handa akong maging crying shoulder mo, maging tagapagtanggol mo at maging kaibigan mo ng walang hinihinging kapalit."

Hinatid na siya ni aaron sa subdivision na tinitirhan nila ng kanyang asawa. Mapait siyang napangiti sa naisip niya. Magiging masaya pa kaya siya ulit? Masasabi pa kaya niya ang salitang iyan sa mga panahon na magdadaan?

'Huwag mo na paasahin ang sarili mo george.'

Bulong ng kabilang isip niya. Naipilig naman niya ang kanyang ulo ng dahil doon.

"Are you okay?"

Nagaalalang tanong ni aaron sakanya. Dahil sa inakto niyang iyon. Nagpapasalamat siya dahil may kaibigan siyang nasasandalan ngayon. Tanging pagkakaibigan lamang ang kaya niyang ibigay kay aaron at nasisiguro naman niya na naiintidihan iyon ng binata.

"Ayos lang ako. Sige na. Magiingat ka sa pagdrive ha. Thank you ulit."

Tumango lamang ito sa kanya at binuhay ang makina ng sasakyan. Ilang segundo lang ay pinaandar na nito ang sasakyan at kumaway muna sakanya bago paharurutin ang sasakyan.

Nang masiguro niya na malayo na ang sasakyan ni aaron ay naglakad papalabas ng subdivision. Buti na lang at may nakita siyang taxi habang naglalakad siya at agad niya iyong pinara at sumakay para puntahan ang lugar na una niyang naramdaman ang pagibig sa mura niyang edad.

*************
"Neil saan natin hahanapin si george? Halos nalibot na yata natin buong bar eh."

"There is still one place na hindi pa natin napupuntahan. I bet she is there."

Operation : Make That Tomboy Fall for meWhere stories live. Discover now