Chapter 39

705 11 5
                                    

Continuation...

"Congratulations she is two weeks pregnant. Maiwan ko na muna kayo ha. I need to attend to some of my patients pa."

"Thank you po Doc."

Pare-pareho silang nagulat ng marinig ang ibinalita sakanila ng doktor kanina. Nasa loob na sila ngayon ng kwarto ni george na until now ay tulog pa din marahil dahil sa kakulangan ng pahinga dahil sa mga nangyayari sa kaibigan nila nitong mga nakaraang araw.

"Sh!t"

"Ano ba neil kanina ka pa ha! Tigil tigilan mo iyang kakamura mo diyan baka marinig ng baby ni george."

"Papaanong nangyari?"

"Anong papaanong nangyari? Hello! Kasal sila. Legal na magasawa syempre kasama iyon sa pagbuo nila ng pamilya. Alangan naman magtitigan lang sila? Common sense naman neil!"

"Manahimik nga kayong dalawa diyan. Lalong magigising si georgina dahil sa mga bunganga niyong dalawa na kanina pa ratatitat ng ratatitat eh."

"Wow haba ng sinabi mo diyan parekoy ha."

"Tch."

Pinaguusapan nila ngayon kung dapat ba nila itong ipaalam kay andrei o hindi. Pero napagdesisyonan nila na hayaan na lang na si georgina ang magsabi tutal ay asawa naman niya ito. Tinawagan na din nila ang magulang ni georgina para sabihin ang nangyari sa kaibigan nila pero hindi nila sinabi ang tungkol sa isa pang kalagayan nito, ang biglaan na lamang na nawalan ito ng paningin.

"I think we should convince her to run some test about her eyes." -Aaron

"That is what I'm thinking too." -Neil

"So ako ano sasabihin ko? Nasabi niyo ng dalawa eh." -Jess

"Can't you just be serious at a time like this jess? Seriously? Nakukuha mo pa talagang magbiro." -Neil

"Nyenyenye. Pinapagaan ko lang naman atmosphere dito eh. Masyado kayong mga seryoso diyan."

"At bakit naman hindi? Concern kami sa kalusugan ni georgina lalo pa't hindi lang siya ang dapat na alalahanin ngayon kung hindi maging ang baby sa sinapupunan niya." - Aaron

"Haba na talaga ng nasasabi mo ngayon parekoy. Dahil diyan idol na kita." -jess

"Baby?"

Mula sa pagkakahiga ay dahan dahang umupo si georgina sa hospital bed niya. Nakakakita na ulit siya hindi tulad ng kaninang naranasan niya. Sobrang dilim na ayaw niya ng pumikit pa ng dahil doon.

"Tol you're awake!"

"Syempre at hindi tulog. Tch!"

Pangaasar ni aaron kay jess habang lumalapit sila kay georgina.

"Ay grabe siya oh! Bumabawi."

"Pulos kayo kalokohan na dalawa diyan."

Natahimik naman ang dalawa dahil sa sermon ni neil sakanila.

"How are you feeling george? May masakit ba sa iyo? How about your eyes? Nakikita mo na ba kami?"

Sunod sunod na tanong ni neil kay georgina. Natatawa naman na sinagot ni george ang nga tanong ng kaibigan niya. Alam niya naman na nagaalala lamang ito sakanya kaya ganun na lamang ka-OA kung makapag-react ito.

"I'm okay neil. Parang gumaan nga pakiramdam ko ngayon na nakatulog ako ng matagal at maayos. At oo nakikita ko na din kayo. Ngayon na lang ulit nangyari saakin ang mawalan ng paningin."

Operation : Make That Tomboy Fall for meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon