Chapter 21

822 26 0
                                    

A/N: oooppss..update po ulit..

=========================================================
Continuation:

Georgina's POV

Namasyal kami ni drei kahapon after namin iwan si carlo sa parking lot..nakakaawa naman yung tao pero ang magaling ko kasing asawa..yes you heared it right tinatanggap ko ng asawa ko siya..so yun nga..dahil ang magaling kong asawa ay masyadong pasaway.

Pumunta kami sa mall,sa park at kumain kami ng isaw sa may manila bay..ang saya saya lang..sana palagi na lang kaming masaya ni andrei.

**jess calling**

"Oh tol napatawag ka?"

"Aalis na si neil.."

"Ha?! Kelan?"

"Ngayon.."

"Bakit siya aalis? Saan siya pupunta?"

"Hello! Malamang para magpahilom ng kanyang sugatan na puso."

"Puntahan natin tol."

"Oh tara! Nandito na ako sa harap ng gate niyo."

Ayos ah! Preparado talaga siya.tsk!

"Talagang sure kang pupunta ako ha.." sabi ko pagkapasok ko sa kotse niya.hindi ako nakapagpaalam kay andrei.tulog pa kasi kaya ite-txt ko na lang siya.

"Syempre kilala kita..importante din sayo si neil dahil halos sabay na kayong lumaki at magkasangga kayo sa lahat ng bagay tol."

Dahil saakin kaya siya aalis.kasalanan ko. Kung bakit naman kasi hindi ako sakanya na in love. Eh halos lagi kaming magkasama nung mga bata kami.

"It's all my fault jess.."

"No it's not..hindi naman natuturuan ang puso kung sino ang dapat mong mahalin.."

Hindi na ako nagsalita pa..tumingin na lang ako sa may bintana at pinagmasdan na lang ang mga nadadaanan namin. Sabi ni jess nasa airport na daw si neil alas tres ng hapon ang flight niya..alas dose pa lang naman ng tanghali.

Nagtxt ako kay andrei..panigurado hahanapin talaga ako nun.

Msg:
Drei kasama ko si jess ngayon pupunta kami ng airport.

Send to hubbyko

Pinapalitan niya saakin ang name niya sa phone ko..ayaw niya daw ng drei dahil para lang daw kaming magkaibigan nun!..grabe ang arte!..inagaw niya saakin yung phone ko at siya ang nagpalit ng name..Maya-maya pa ay nagreply siya agad.

Hubbyko: susunod ako.

Heto nanaman ang pakiramdam na parang kinikiliti ang mga lamang loob ko.kilig yata ito.

Reply: ok. Terminal 1 kami.

Message sent.

Napabuntong hininga ako..sa totoo lang nalulungkot ako. Pero kelangan kong intindihin si neil dahil para sakanya din naman ito. Hinihiling ko lagi kay Lord na sana ay mahanap na ni neil ang babaeng karapat dapat para sakanya.

Nag-vibrate ulit ang phone ko. Nag reply siguro si andrei. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko.

Hubbyko: i love you..akin ka lang please..=(

Takte! Ramdam ko namula ang pisngi ko..kaya napa-tss ako.

"Oh bakit?"

"W-wala.."

Operation : Make That Tomboy Fall for meWhere stories live. Discover now