One

58K 1.1K 26
                                    



082315
SIRE AN HEIR: ONE


"Will you stop looking at him, Chesca Fayelin?" Bulong niya sa sarili habang nagkukunwaring may binabasa sa macbook niya pero sa totoo lang ay pasimple niyang tinitignan si Irving James the third na nag-oorder ng kape sa counter.


"What? Did you say something?"


Mula sa pasimpleng panonood niya kay Irving James the third na walang pakealam kahit na naglalaway na sa kanya ang mga crew ay binalingan niya si Alex na muntik na niyang makalimutan na kasama pala niya.


Umunat siya ng upo at bahagyang ngumiti. "Wala naman. Baka hindi ako yung narinig mo." Sabay dampot niya sa kape niya.


Kung bakit naman kasi hanggang sa coffee shop ay sinusundan siya nitong mahanging lalaking ito eh? Hindi tuloy siya makapagbasa ng maayos.


"Ano ba kasi iyang binabasa mo at kanina ka pa tutok na tutok na parang wala ako rito dahil di mo man lang ako kinakausap." Kunwa ay may halo pang pagtatampo ang boses nito. Gusto niyang masuka.


"Alam mo Alex, I don't need anyone's company at the moment kaya nga hindi ko maintindihan kung ano ang itinutunganga mo dyan eh." She said as she flipped her hair at muling nilingon ang counter kung saan mukang paalis na si Irving James the third.


Kitang kita niya nang lingunin rin ni Alex ang tinitignan niya at kumunot pa ang noo nito bago muling bumaling sa kanya na para bang sinisigurado kung si Irving James the third nga ang tinitignan ko.


"You like someone like that? He looks..."


"Dashing and hot on his rugged outfit." Putol niya sa sinasabi ni Alex na sinamahan pa niya ng pagngisi na nagpasibangot kay Alex.


Mukha naman kasi talagang mabaho si Irving James the third sa suot nitong kupas na t-shirt na hapit sa katawan nitong yummy na tinernuhan ng kupas na maong pants na may tastas tastas pa at maluwang. Kita pa nga ang tuhod sa laki ng tastas eh. And the post mam, as in tuod, was still wearing his long wispy black hair na abot hanggang balikat nito.


"Someone like that guy cannot offer anything to you, Chesca. Ako, kaya kong ibigay sayo ang buong mundo ko." Banat pa ni Alex at pasimpleng nagpagwapo pa sa harap niya. Yuck lang!


Umirap siya. "Magtigil ka nga. Kinikilabutan ako sa mga pinagsasasabi mo." Tapos ay inubos na niya ang kape at agad na niligpit ang gamit sabay alis.


"Sus! Pakipot pa." Narinig niyang bulong ni Alex pero di nalang niya pinansin at sa halip ay hinanap niya kung saan gumawi si Irving James the third.


Maniningil siya.


Ilang taon rin itong hindi nagpakita sa kanya matapos siyang iwan sa ere ng ganon ganon nalang na para bang naghubad lang ito ng brief at itinapon sa marumihan tapos ay bahala na.


"Ano na kayang size ng brief ng lalaking iyon?" Natawa siya sa sariling sinabi. Pero nawala ang ngiti niya nang makita niyang parang slow motion na sumakay si Irving James the third sa isang itim na sports car na ewan niya kung anong klase dahil wala naman siyang alam sa mga sasakyan. Ang alam niya lang, kahit mukang mekaniko ang outfit ng lolo nyo ay bagay naman sa kagwapuhan nito ang sasakyan.


Magkasing-pogi sila.


Kitang kita pa niya ng magsuot ito ng rayban dahil naka-top down ang poging kotse at pakiramdam niya ay tutulo na yata ang laway niya. Kinapa rin niya ang bewang niya dahil baka wala na roon ang garter ng panty niya at nalaglag na.


God! She missed him terribly pero galit pa rin siya sa pang-iiwan nito sa kanya sa ere seven years ago.


Itinikom niya ang bibig niya na hindi naman pala nakanganga nagmamadaling lumakad patungo sa sasakyang pogi na may mas pogi na nakasakay at humarang sa harapan noon.


"This will be the last time that I will go gaga over you. Last. And I mean it." Bulong niya kasanod ng paglunok ng laway na nasundan ng isang malalim na paghigit niya sa hininga ng unti unting tanggalin ni Irving James the third ang rayban nito at bumaba.


"What do you think you're doing, Miss?" Galit na bungad ng tuod sa kanya.


In fairness, marunong na itong magpakita ng inis unlike dati na parating poker face ang lolo nyo.


Pero... Miss? Tinawag siyang Miss na parang di siya nakilala? What the—


"Faye? Fayelin Latoza?" At saka ito umiling iling na para bang isang malaking kalokohan ang ginagawa niya roon.


Tinaas niya ang isang kilay kahit alam niyang hindi naman nito iyon makikita dahil naka-full bangs siya. Nilapitan niya ito ng malapit na malapit pero umatras din siya dahil masyado itong matang kad na hanggang dibdib lamang siya nito at ayaw niyang magka-stiff neck.


"Mabuti naman at natatandaan mo pa ako?" Bwisit ka. Pero di na niya iyon idinugtong. "Dapat ba akong magpasalamat dahil kilala mo pa ako? Thank you ha?" May panunuya niyang sabi at unti unti ay nawalan ng ekspresyon ang gwapong mukha ni Irving James the third.


Now they're back to the way they used to be kapag magtatalo sila: siya na maglalabas ng hinanakit at ito naman ay makikinig lang na walang ekspresyon ang mukha. But the only difference today is that, they are not lovers anymore kung matatawag man silang lovers noon.


"How would I forget someone like you? Hinanap kita but you were never to find." Anito. Tapos ay biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha.


She was taken a back. Lahat ng gusto niyang itanong at isumbat rito ay parang tinangay na yata ng mga nagdaraang sasakyan. At mukang isinama pa ang kaluluwa niya. Gusto rin niyang kastiguhin ang puso na parang gusto ng lumabas ng dibdib niya para sumama sa bwisit na si Irving James the third.


Magsasalita na sana siya ng mag-ring ang cellphone nito na kaagad naman nitong sinagot kaya nagkaroon siya nag pagkakataong pagmasdan ito mula ulo hanggang paa.


His long wispy black hair that she used to pull whenever they are— you know was still the same but she wondered if it still as silky as before? Ang itim nitong mga mata at makapal na kilay ay ganoon pa rin. At malalim pa rin ang cleft chin nito na gustong gusto niya.


She lowered her gaze to his brooding chest na bakat sa suot nito v-neck shirt dahil hapit iyon sa katawan nito at tulad rin ng dati ay flat pa rin ang stomach ni Irving James the third and she wondered kung mas gumanda na ang hubog ng mga pandesal nito roon.


Hindi na niya ibinaba pa ang tingin. Nagbago na ang isip niya at baka maalala lang niya kung paano siya pinaligaya ng parteng iyon ng katawan nito na halos nagpabaliw sa kanya  na muntik na siyang maniwala na may forever dahil ang totoo ay walang forever.


Oo. Bitter na kung bitter pero ano ang magagawa niya? Naloko siya ng lintik na salitang forever kaya ngayon ay mapait pa siya sa ampalaya. Mabuti nalang talaga at nagamit niya ang pagiging bitter niya para maging successful ang carreer niya. Pero alm naman niya na in time ay mawawala rin ang pagiging bitter niya sa mundo dahil umaasa pa rin siyang may tatanggap sa kanya sa kabila ng ginawang pagwasak sa kanya ng Irving James the third na ito.


Sabi nga nila; you can have everything but not at the same time.


Nakuha na niyang masaktan ang mabigo at mahirapan, nakuha na rin niyang magmukang tanga at magpakagaga. Pero kahit na ganoon, nakuha pa rin niyang bumangin mag isa, magpakatatag at maging matagumpay sa karera ng buhay. Kaya naniniwala siyang magagawa niya ring makuha muli ang malaking parte ng puso niya na kinuha ng Irving James the third na ito.


Nang matapos iyong makipag-usap sa cellphone nito ay binalingan siya nitong muli at nagulat siya ng yakapin siya nito at bulungan siya...





"I miss you, Faye."

Still You (DH 4 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon