Seventeen

28.4K 626 23
                                    

SIRE AN HEIR
112215


"O, may nagpapabigay." Pukaw ni Sendo, ang ka-opisina niyang baklush, sa atensyon niya.


Tinignan niya ang hawak nitong long stem red rose bago inabot. "Kanino galing?Ang tipid ha? Isa lang talaga?" aniya sa sarili dahil di naman siya pinansin ni Sendo at inirapan pa siya.


"Hoy Sendo!" tawag niya pero diretso lang ito sa paglakad palayo kaya di nalang niya pinansin lalo na ng magsitahimik ang mga kasamahan niya at nasa iisang direksyon ang tingin.


"Shit! Sir Kho's smiling!"


"Shit again! He's with a bunch of makalaglag panty guy!"


"Shit times three! That's Terence Mitchel Monroe! My ultimate crush!"


"Anong meron mga bakla?" tanong niya sa mga kaopisina na kung hindi natulala ay tumutulo na ang laway sa pagtingin kila Irving James the third na ngayon ay patungo sa direksyon nila kasama ang mga kaibigan nito. And as usual, bawat daanan nito ay tumatahimik at lahat ay nagsisibati pero wala naman itong tinutugon kahit isa. Mukhang galing ang mga ito sa private office ni the third.


"Good morning Sir James and friends?" bati rin niya. Alangan naman kasing isa isahin pa niya angmga kaibigan nito. Eh di isang batian nalang para tipid salaway.


"What?" nakangising nilingon siya nung isa na sa pagkakatanda niya ay si Art na isang sikat na architect and fortunately ay taken na at malapit ng ikasal sa nag-iisang babae ng mga Madrigal.


"You must be Fayelin." It was not a question but she still nodded to confirm what Engr. Andrae Knudsen said. Kilala na niya ito pero ngayon lang niya nakita ng malapitan and God! She can't help but admire those brown eyes of his with flecks of gold.


"Hi! I'm Clyde Telpace and obviously, this is my twin brother Dwight. Can I get your number?" sabay lahad nito ng cellphone na bigla namang nag-ring. "De joke lang. Magagalit si Amber eh." Ngisi nito. So this one's taken too? Sabagay, kahit noon pa mang nag-aaral sila ay hinahabol habol na nito si Amber.

Inirapan niya si Clyde. Of course! She knew them. They're just the most handsome twins she had ever seen with a pair of blue eyes not to mention that thy are too identical that you wouldn't wish to be in the same place with them.

At kung makapagpakilala naman itong si Clyde ay akala mo hindi siya kilala. Well, pwede rin namang hindi talaga.

Nilingon niya yung isang katabi ni Irving. Hindi niya kilala pero makalaglag panty rin ang kagwapuhan. Ngumiti ito sa kanya.

"Terence Monroe." Pagpapakilala nito na hinalikan pa ang kamay niya habang nakangiti. Tapos ay kinindatan pa siya nito.


Anebey! Baka makita ni Mr. Kho! She said on the back of her mind.


"Single yan!" ani Art na ngingisi-ngisi tulad nung isa sa kambal na sa pagkakatanda niya ay si Dwight dahil may kausap pa rin sa cellphone nito ang kakambal na si Clyde.


"Hands off, Monroe." Masungit na pigil ni Irving James sa kaibigan. Tinawanan lang naman siya nung iba pa habang siya naman ay nagtataka dahil biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito.


"Relax! We just wanted to know her." Sabi nung Dwight bago itinulak si Terence at Art na parang inuudyukan na lumakad na. Hinatak na rin nito ang kakambal.


"What are you looking at? Go back to work." Irving James the third commanded. Balik na naman siya sa pagiging seryoso at di ngumingiti na amo nila. Agad namang tumalima ang mga katrabaho niya at nagkanya-kanya ng gawain at nagpakabusy sa kahit na anong pwedeng gawin.


Still You (DH 4 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon