Twenty Nine

24.8K 657 21
                                    

SIRE AN HEIR
012416

                 

Just like that, natapos ang tampuhan nila. Umani pa sila ng isang katerbang tukso mula sa mga kaibigan ng binata. At kung alam lang niya na ganoon kasarap kasama ang mga kaibigan ni Irving na parang mga hindi professional at akala mo mga bata, sana ay nahila na rin niya sina Rin at Reichelle na kababalik lang ng bansa.

Hindi naman iyon ang unang beses na nag-celebrate sila ng birthday ni Irv pero iyon ang unang beses na ipinagdiwang nila iyon ng may kasamang mg akaibigan. Dati kasi ay silang tatlo lang palagi ng Mama Elvira nito ang magkakasama. At hindi miminsan na naisip niya na marahil ay ikinahihiya siya ni Irv.

Oo, marami siyang insecurities sa buhay lalo na kapag nadidikit siya kay Irv na kahit yata bihisan mo ng basahan ay madadala nito. Samantalang siya, oo nga at aware naman siya na hindi siya panget pero nasanay na siya na palaging nakaayos tuwing lalabas ng bahay.

Bumuntong hininga siya habang inaayos ang necktie ni Irv at mukang napansin nito iyon kahit na busy rin ito sa pag-ayos ng buhok nito.

"Hey, is there something wrong?"

Umiling siya kahit na ninenerbyos siya dahil ngayon ang unang araw na papasok sila ni Irving muli sa opisina pagkatapos ng ilang lingo nilang bakasyon sa trabaho.

He tilted her chin using his forefinger and thumb before giving her a peck on her cheek. "Chill. Everything's going to be fine. Just be yourself... always." At saka siya nito nginitian.

Napangiti na rin tuloy siya. Ikaw ba naman ay bigyan ng makalaglag panty'ng  ngiti ng taong mahal mo, di ka ba kikiligin?

Pagdating nila sa opisina ay hindi na siya nagtaka na pinagtitinginan sila ng mga kapwa niya empleyado.

Sino ba naman ang hindi titingin kung ang isang hamakna empleyadang katulad niya ay umibis sa sasakyan ng CEO, magkasabay sumakay sa private elevator, magkaholding-hands at hinahalikan ng CEO sa pisngi bago tumuloy sa sariling opisina?

"OMG! Kayo na!" tili ng baklang si Sendo sa gilid niya at niyugyog pa siya sa balikat.

Napag-usapan na kasi nila ni Irving na wala na silang pagtataguan ng relasyon nila kahit na hindi naman talaga nila iyon itinago. Nagkataon lang na napunta sila sa isang komplikadong sitwasyon.

"Matagal na!" ngiting-ngiti niyang sabi habang ina-adjust ang salamin niya.

"OMG times one hundred! How's that happened? I mean, may asawa na siya di ba? So ano iyan? Mistress ka?"

Nabura ang ngiti niya at nang mag-angat siya ng tingin ay marami nap ala sa mga ka-opisina niya ang nakikinig at tila naghihintay ng sagot niya.

"What's going on here?"

Sabay-sabay silang napalingon sa nagsalita. She doesn't know if she'll be glad because she doesn't need to answer their questions because of that someone who interrupted them or wish na sana ay hindi nalang ito dumating.

Arching her brows, she looked at them one by one and stops at her bago ngumiti.

"Oh! It's you!" sabay lapit at halik nito sa magkabila niyang pisngi na labis niyang ikinabigla. "We haven't properly introduced at Rancho Cervantes. Si Irving kasi, mainit ang ulo. By the way, I'm Kristine Kho, Irving James' wife." Anitong sadyang binigyang diin pa ang salitang 'wife'.

Eh kung ingudngod kaya niya ito sa sahig?

Ngumiti siya ng plastic. "You mean, ex-wife? As in past tense. Nakaraan na.Tapos na."

Umasim ang mukha nito. "Everyone, go back to work!" anito sa mga nakikinig sa munti nilang usapan.

"Go girl!" pag-cheer pa sa kanya ng baklang si Sendo bago kumekendeng na umalis.

Still You (DH 4 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon