Three

42.5K 1K 30
                                    

092415
SIRE AN HEIR

"Bawal ang tambay rito lalo na kung poging katulad ko."

Nag-angat siya ng tingin mula sa binabasang dyaryo at nginisihan si Art. "Sorry. I'm just bored kaya nanggugulo ako sa inyo."

"So, tinotoo talaga ng lolo mo ang banta niyang hindi ka makakapunta sa kahit saang opisina nyo? Gusto mo dito ka nalang. May bakante pa. Janitor." Sabay tawa ni Art ng malakas.

"No thanks." Ngisi niya. "Baka maging conflict sa schedule ng flights ko iyan eh."

"May irereto ako sa'yo. Maganda ito, sexy, matangkad—"

"Matangkad? No thanks. Besides, I still prefer that petite woman." Ngisi niya.

He didn't know when he started to like that woman. She's not pretty at all because she's gorgeous. Sa dami ng dumaang babae sa buhay niya ay si Faye lamang ang nagparamdam sa kanya na gusto talaga siya nito bilang siya at hindi dahil isa siyang tagapagmana. Oh well, hindi naman kasi nito alam ang bagay na iyon. Besides, she's the only woman who ignores him back then.

"Then go away. Inaabala mo ang mga empleyado ko eh hindi naman ikaw ang nagpapasweldo sa mga iyan." Pagtataboy sa kanya ni Art. Wala kasi siyang matambayan kaya iniisa isa niyang ang opisina ng mga kaibigan.

"How did you court Emerald, Art?" Sa halip ay tanong niya. Ni minsan kasi ay hindi nito nabanggit na kilala nito ang nag-iisang anak na babae ng mga Madrigal na isa ring kilalang angkan sa business world. Pero sa pagkakaalam niya ay lalong naging mailap ang dalaga kay Art ngayong buntis na ito.

Ngumisi ito ng malaki. "Alam mo, yang ganyang mga bagay ay dapat na pinagtutuunan ng pansin lalo na at ikaw ang involved. Ano, tatawagin ko na ba sila Terence for an emergency meeting?"

"Bakit ba ikaw pa natanong ko?" bulong niya nang umiral na naman ang kayabangan ni Art.

Nailing nalang siya. Puro kalokohan talaga ang alam ni Art. And he really wondered kung paano nito nakuha ang nag-iisa at mailap na babae ng mga Madrigal. Tumayo na rin siya. Wala siyang mapapala kay Art. Dapat siguro ay kay Drae nalang siya lumapit.

"I'll go ahead."

"Seriously? Well, just do what she likes even if it sounds stupid. And believe me, effective iyan." nakangising sabi nito.

"She wants closure. Should I give it to her just because she wanted it? Hell no, Art."

"Hell yes, Irv. Give it to her. Respect what she wants but do not totally give her up. Just give her a little space to breath in."

"Halos pitong taon kaming nagkahiwalay. And she was so mad when she saw me." Napangiwi si Art sa sinabi niya.

"Then... forget what I've said and start courting her again."

"That's what I am planning to do." At tuloy tuloy na siyang lumabas.

Umuwi siya sa mansion para maligo dahil kagagaling lang niya sa pagja-jogging pero nadatnan niya ang lolo niya sa veranda. Tinanguan niya lang ito at nagtuloy na sa grand stair case nang magsalita ito.

"Wala ka talagang balak? Mahina na ako apo."

"Grandpa, you're as healthy as a bull and I told you, ayoko pa."

"And what about the company? Alam mong makakabalik ka lang doon kapag nagsettle down ka na."

"The company will survive even without me. Kahit isang taon akong mawala, hindi iyon malulugi. Thanks for training my employees the hard way." At umakyat na siya ng may ngiti sa mga labi.

Still You (DH 4 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon