Sixteen

27.5K 752 27
                                    


SIRE AN HEIR
112115


Nawindang siya sa mga nalaman niya at ni hindi niya namalayan na nasa isang parke na pala silang dalawa ni Alex at si Alex ay hayun sa isang tabi at at nakaupo lang.


Hindi pa rin siya makapaniwala na si Alex ay may kakambal tapos ay nadagdagan pa ng isang pasabog na kapatidpala ng mga ito si Irving James. Ang daming gumugulo sa isip niyang mga tanong at kaysa itanong sa sarili ay nilapitan niya si Alex at kinalabit dahilparang hindi nito ramdam ang presensya niya.


"Shit! I'm sorry Chesca. Hindi mo na dapat nalaman." Bigla nitong sabi.


"So, totoong magkapatid kayo? I mean, paanong nangyari iyon? Kung kapatid nyo si Irving, bakit hindi ninyo dala-dala ang apelidong Kho samantalang sa pagkakaalam ko ay mas gusto ng mga Kho ang lalaki sa lahi nila kaysa sa babae. At alam ba nilang nag-e-exist kayo ng kakambal mo? Alam ban g tatay nyo ang tungkol sa inyo? Kailan nyo pa nalaman na kapatid nyo si Irving James the third?" sunod sunod niyang tanong na kinunutan lang ni Alex ng noo kasunod ng pagngiti nito.


May nakakatawa bas a sinabi niya? O may lumuwag na ring turnilyo sa utak ni Alex? O baka naman nahawa na ito sa kakambal nitong si Xander?


"You're back, Inday." Anitong niyakap pa siya.


Nagtaka siya kaya bahagya niyang itinulak ito. "Anyare Alex? Huwag mo akong ngiti-ngitian at baka masapak kita."


"Alright! I'll answer your questions but first, I just want to tell you that I miss you."


Natahimik siya. Kahit kailan talaga itong si Alex, ang daming pasabog na pinaggagagawa sa buhay.


Alex cleared his throat. "To answer your questions, yes, magkapatid kami sa ama. We're just a year younger than Irv and no one knows about our existence. Ayaw ng ipaalam ni mommy because my father, ang asawa ni mom, is not capable of making any woman pregnant and he needs a child to take over his company."


"Ganoon? Eh di mayaman pala talaga kayo? Then, bakit ka nagtatrabaho sa kumpanya nila Irving James?"


Nagkibit balikat ito. "I just wanted to see how the heir of the Kho works his ass off."


Another moment of silence past in between them. Siya na ang bumasag sa katahimikang iyon nung hindi na siya makatiis.


"I'm sorry,"


"I'm sorry."


Sabay pa nilang bulalas. She looked up at Alex and saw him tilted his head, urging her to speak first. She did besides, she really has a lot ot things to say to him.


"These past few weeks," she paused and took a glance at him. "I'm sorry for ignoring your text messages and phone calls. It's just that, I really wanted to sort out my feelings and I figured out that dragging you was not the right thing to do."


Tinignan niya ulit si Alex. Nakayuko lang ito at nakatingin sa lupa habang tinitisod-tisod ang maliliit na bato sa tapat ng paa nito. Hindi tuloy niya mabasa ang nasa mukha nito dahil sa pagkakayuko. Hindi niya alam kung galit ba ito o ano na.


"And I think, we should – hmmn."


Hindi niyanaituloy ang sasabihin ng bigla siya nitong siilin ng halik. It was just a quick kiss at magaan lang naman ang pagkakahalik sa kanya pero hindi pa rin niya inakala na magagawa nito iyon sa kanya.


"Dump me." Anitosa seryosong tono.


"What?" gulat niyang tanong.


"Just dump me or else, baka ulitin ko lang ang ginawa ko." Dugtong nito sa kanya habang wala siyang mabasang ekspresyon sa mukha nito. Basta nakatingin lang sa kanya.


Still You (DH 4 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon