Five

38.2K 882 35
                                    

SIRE AN HEIR
082915

Lumingon siya. Of course, kilalang kilala niya ang baritono at may kasungitang boses na iyon. Isa pa ay iyo lang naman ang tumatawag sa kanya sa second name niya na ewan niya kung bakit iyon ang tawag nito.

"O, nandito ka pala? Marunong ka rin palang magpunta sa mall? Akala ko airport at opisina lang ang tambayan mo lagi eh." Puno ng panunuya niyang sabi at itinapon na rin niya ang kinakain na ice cream sa kalapit na trash can.

"You should be resting on your house." Anito habang nakakunot rin ang noo na nakatingin sa kanya. Nagbaba siya ng tingin dahil baka magka-stiff neck pa siya dahil kung matangkad si Alex ay higit na mas matangkad itong si the third.

"Pero mas gusto kong gumala." Tumayo na siya. "Halika na nga Alex. Sa iba naman tayo magpunta." Siya na rin mismo ang humatak kay Alex na ngayon ay walang ekspresyon ang mukha.

Bago nila lagpasan si Irving James the third ay nakuha pa niyang punahin ang suot nitong six pockets na short na patigue at black shirt na may print na 'Huwag tularan. Ako'y batugan.'

Para bang napadaan lang ito sa mall dahil walang kaayos ayos at hindi iyon ang suot nito kaninang nagpunta ito sa kanila ng umagang umaga. But nontheless ay umaangat pa rin ito dahil sa kakaibang kagwapuhang taglay.

Haaay Chesca Fayelin! Huwag mo na ngang purihin iyan!

"Nice shirt." Taas kilay pa niyang sabi.

Pero nakakailang hakbang palang yata siya nang pigilan siya nito sa braso. Masungit pa rin ang mukha nang humarap siya para tingalain ito.

"Problema mo?" Pagtataray niya.

"You should be resting. Mahaba ang byahe natin bukas." Anito pero hindi naman sa kanya nakatingin kundi kay Alex.

"Ayoko na. Nagbago na ang isip ko. Hindi na ako sasama sayo. Nabigla lang naman talaga ako kanina eh. Besides, walang dahilan para magsama pa tayo." Kunwari ay tinatamad niyang sabi pero sa totoo lang ay kinakabahan siya sa klase ng tingin na ibinibigay sa kanya nitong Irving James na ito.

"Are you going home or I will send you home?" May halong pagbabantang sabi nito sa kanya.

"I will send her home." Si Alex ang sumagot para sa kanya. Ang akala talaga niya ay hindi ito magsasalita. Pero sana talaga ay hindi na lamang nito ibinuka ang bibig dahil kitang kita niya ang matalim na tingin na ipinukol dito ni Irving.

"Fine. And by the way. Mamayang alas kwatro na ang alis natin. I'll fetch you at three o'clock sharp." Sabay talikod nito.

"Ayoko! Fetch yourself! At saka kasasabi mo lang na bukas pa iyon ah!" Medyo malakas niyang sabi. Napatingin tuloy sa kanya yung iba. Pero ano bang pakialam niya? Wala. Tsk. "'lika na nga Alex." Hatak niya sa binata na nagpatianod naman.

"Akala mo kung sinong hari kung makapag-utos iyang Irving James the third na iyan. Ano ako? Empleyado niya? Kapal kapal ng fez! Haay! Nakaka-stress talaga kayong mga lalaki." Sentimyento niya habang humahangos sa paglakad na akala mo may hinahabol sila.

"Bakit pati ako nasali? Nakaka-tanggal kaya ako ng stress." Sabay akbay sa kanya ni Alex habang patuloy sila sa paglakad.

Papalisin na sana niya ang braso nitong nakaakbay sa kanya nang biglang maalis iyon at may bumuhat sa kanya na akala mo ba ay isa siyang sako ng bigas. Napasigaw siya at ilang beses napamura dahil sa pagkabigla. Nang maka-recover siya ay hinampas niya ang bwisit na si Irving James the third sa likod na hindi man lang nito ininda.

"Back off man." Anito kay Alex. "And as for this lady," tukoy nito sa kanya. "Ako na ang bahala."

Iyon lang ang narinig niyang sinabi nito kay Alex bago siya tuluyang binitbit na parang sako ng bigas sa malapad nitong balikat. Agad niyang tinakpan ang mukha dahil sa kahihiyan.

Still You (DH 4 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon