Forty Five

33.8K 795 51
                                    

                 
SIRE AN HEIR
061116
Final Chapter



She blinked back her tears. Hindi pa rin siya makapaniwala na ikakasal na sila ni Irving and that the wedding gown she was wearing was personally picked and design by Irving James the third.

Alam naman niyang magaling magdala ng damit at magaganda ang mga damit ni Irving. And buong akala niya ay nagkakataon lamang ang lahat ng iyon dahil syempre, mayaman ito kaya natural lang na maganda ang mga isinusuot na damit maging ang sapatos. Pero hindi niya inaasahan na marunong talaga itong mamili ng magandang design.

"Tignan mo anak, kahit iilan lang ng mga naririto ay masasabi mong pinaghandaan ang lahat. Ikaw lang talaga ang hindi handa." Maluha-luhang sabi ng Mama niya.

She looked at the venue. The ballroom hall became a garden full of different kinds of colorful flowers in pink, red, purple and white. May dalawa pang mini fountain siyang nakikita na akala mo rainbow ang tubig na lumalabas. At kahit saan siya tumingin ay puro bulaklak ang nakikita niya.

"Hindi ko alam na nagpaplano pala ng ganito ang lokong Irving James the third na iyon." Pinahid niya ang kumawalang luha. "Habang galit na galit ako sa kanya sa pag uwi niya ng late at pag-alis ng maaga, siya siguro ay palaging pagod dahil sa pag-aasikaso nitong kasal namin. Ma, masama ba akong girlfriend?"

Tumawa ang Papa niya. "Anak, hindi. Buntis ka lang kaya ka topakin. At madalas, kapag ayaw mong makita si James, nasa bahay lang siya at nakikipagkwentuhan sa amin ng Mama mo."

"Hindi ka pakakasalan ni Jamea kung hindi ka mabuting kasintahan, anak." Sabi naman ng Mama niya.

"Tama na emote, Ate. Mahal ka ni Kuya James kaya huwag ka na ngang mag-inarte! Ayan na nga at ikakasal na kayo. Siya pa lahat ang naghanda pati sa motif ng kasal ninyo."

Binatukan niya ang kapatid. "Bakit ba nandito ka Francis? Panira ka ng moment. Pero dahil masaya ako, palalagpasin ko muna ang sinabi mo."

"Ches!"

Nilingon niya ang tumawag. Papunta sa gawi niya sila Reichelle, Rin, Amber, Meg and Emerald. Ang tatlo ay may dala ang kanya kanyang anak maliban kay amber na may bitbit na basket na puno ng petals.

"Kami ang magaganda mong abay. Hindi naman halata na may anak na kami, hindi ba?" Ani Meg na naka pastel yellow na gown na bumagay sa medyo morena nitong kutis.

"Thea and Elle will be your flower girls. Si Dash ang ring bearer mo." Ani Amber na naka-lavender na gown.

Nagsilapitan sa kanya ang mga magsisilbing abay nila ni Irving at ang dami nila. Kasali sina Queen at Princess. Si Princess ang bridesmaids habang ang kapatid niyang si Francis ang groomsmen. Si Alex ang kapareha ni Queen, si Amber ay si Clyde ang kapareha, si Meg ay si Drae, si Emerald ay si Art, si Rin ay si Dwight at si Reichelle ay kay Terence na hanggang ngayon ay hindi niya nakikita.

All of them was wearing gowns with the same style and all in pastel colors. Habang ang mga lalaki ay naka-three piece gray suits. Ang nagsilbing mga sponsors nila ay ang mga Tito at Tita lang din nila.

"Okay everyone! Magsisimula na ang kasal. Pwesto na po tayo."

Ilang saglit pa ay nagsimula na ang kasal. Noong siya na ang lalakad ay sadyang iniwan siya sa labas ng pinto. When the door opens, her eyes darted at the man, wearing an all white pilot uniform and she can't help but mesmerized. Napakakisig ni Irving sa uniporme nito. His hair was now shorter and neatly combed.

Everyone was looking at her at parang may sinasabi hanggang sa maramdaman niya ang paghila sa kanya ng Mama niya. Kaya naman pala nakatingin sa kanya at parang may sinasabi ang mga taong naroon ay hindi pala siya gumagalaw sa kinatatayuan.

Still You (DH 4 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon