Thirty Nine

29.7K 726 26
                                    

SIRE AN HEIR
041016

"Congratulations! You're nine weeks pregnant, Faye!" Anunsyo ni Clyde bago siya niyakap.

"Excuse me, Clyde. Hands off please. Baka makamukha mo pa ang anak ko." Ani Irving bago siya niyakap ng mahigpit at kinintalan ng halik sa labi.

Si Clyde naman ay nakangiting nakamasid lang sa kanilang dalawa at sa tabi nito ay ang bagong dating na si Amber na agad kinurot ang una.

Nasa pribadong opisina sila ng Director of the Board ng Telpace Medical Hospital — Clyde Telpace itself dahil nahilo siyang bigla pagkatapos niyang i-pregnancy test. Nagkataon lang din na naroon si Clyde ng araw na iyon dahil hinahabol na naman nito si Amber sa di nila malamang kadahilanan dahil palagi na lamang ganoon ang dalawa.

"Hinahanap ni Dra. Arceo ang results ng PT test ni Faye, tinangay mo pala!"

Tumawa lang si Clyde at binati ang kaibigan. Si Amber naman ay ganoon din ang ginawa. Niyakap pa siya nito pero para siyang nabato-balani sa kinatatayuan at hindi man lamang siya gumagalaw. Kahit isang salita ay wala ring namumutawi sa bibig niya habang si Irving ay nakikita niyang masayang masaya habang ibinabalita ang resulta ng test niya sa kausap nito sa cellphone. Pero noong mapansin nitong wala siyang kibo ay agad kumunot ang noo nito at nagsalubong ang kilay. Ibinaba nito ang cellphone at agad siyang nilapitan.

"Hey! Are you alright, babe?" He asked as he tucked her hair on her ear.

Hindi siya sumagot. Rather, hindi siya makasagot. Sobrang dami ng pumapasok na tanong sa isip niya na hindi niya alam kung alin ang dapat unahing sabihin. Ang ilan doon ay malabo at magulo na parang nagkahalo-halo na yata sa isip niya.

"Babe?" Untag sa kanya ni Irving.

Tinanggal niya ang kamay nitong nakahawak sa beywang niya at naguguluhang tumitig rito.

Wondering was clearly plastered on Irving's cruelly handsome face as she looked up at him. Si Clyde ay tumikhim bago nag-excuse na may itse-check na pasyente kasama si Amber kaya naiwan silang dalawa ni Irving sa pribadong opisinang iyon ni Clyde.

"What's wrong Faye? Tell me, babe. You're driving me crazy with your silence."

"This can't be. Hindi ito maaaring mangyari. Hindi ako pwedeng mabuntis ngayon!" She exclaimed and sat at the couch. Irving followed her and kneeled in front of her. Ginagap nito ang mga kamay niya.

"Why babe?" Malungkot nitong tanong sa kanya habang nakatingala.

"Ano ka ba naman Irving James the third! Hindi ko alam kung manhid ka ba, tanga o talagang hindi mo lang alam." Napabuntong hininga siya at pinilit hamigin ang sarili.

"Did you just called me —"

"Stupid? Yeah. I think I did."

Tumayo ito at nagpalakad lakad sa harap niya ng nakapameywang. Para bang pilit nitong pinakakalma ang sarili. Ilang saglit pa ay huminto ito, nakatalikod ito sa kanya nang magsalita.

"Wait for me in the car. Bibilhin ko lang ang mga vitamins na kailangan mo."

"Okay." Pagsang-ayon niya. Mabuti na rin siguro iyon.

Paalis na si Irving at palabas na ng pinto ng muli niya itong tawagin. "Iyong susi ng kotse, akin na para makapasok ako." Sabay lahad niya ng isang palad niya habang nakaupo pa rin sa couch ng opisina ni Clyde.

Still You (DH 4 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon