Thirty Seven

27.2K 697 29
                                    

SIRE AN HEIR
031816


"Teka, time out muna." Pigil niya sa mukha ni Irving na akmang hahalikan siya. Naroon kasi sila sa maliit na kwarto sa opisina nito. "Nagugutom na ako Irving James the third." Nakanguso niyang saad.

Tumawa ito. Hindi lang basta tawa kundi halakhak pa kaya natulala siya.

Imagine? Si Irving humalakhak?! Napakadalang niya itong makitang maging ganoon kasaya kaya wala siyang nagawa kung hindi ang mapatulala rito habang tumatawa ito.

"Okay, let's go and grab something to eat." Anitong tumayo na at pinulot ang mga damit niya. Iniabot nito sa kanya angmga damit niya.

She remained sitting on the bed, watching him get dressed.

"Di kagalit?" aniya.

Nilingon siya nito habang inaayos ang belt. "Why would I?"

She just shrugged her shoulder. Alangan naman kasi na sabihin niya na kasi di sila natuloy. And to think na halaatang halata pa ang erection nito dahil sa ginawa nilang make out session mula sa mismong opisina nito hanggang doon sa maliit na kwartong kinaroroonan nila.

"Lalabas tayo ng ganyan iyan?" nginuso niya ang crotch nito.

"Stop looking, babe and get dress. Akala ko ba nagugutom ka na?" anito habang nagbubutones ng long sleeve nito.

Hindi nalang niya pinansin at tumayo na rin siya para magbihis. Soot na niya ang panloob niya nang may maisip siyang iyanong kay Irving. Tumuntong siya sa kama at tumayo para magpantay sila.

"James,"

"Hmmn?"

Hinawakan niya ito sa balikat at pinihit paharap sa kanya.

"What? Are you seducing me with your sexy brassier and undies?" ngisi nito sa kanya at hinawakan siya sa beywang.

"Tumataba ba ako?" napakagat-labi pa siya.

Lately kasi ay napapalakas siyang kumain. Iyon yata ang tinatawag na stress eating na kahit iyong hindi naman niya gustong kainin ay kinakain niya basta lang may manguya o basta lang may mailagay siya sa bibig niya.

"What?"

Nainis siya. Ang linawlinaw ng tanong niya tapos tanong rin ang isasagot sa kanya? Ano iyon, tanungan nalang forever?

"Bobo ka ba o bingi na? Tinatanong kita kung tumataba na ba ako? Lately kasi ang lakas kong kumain. Paano nalang kung mukha na akong balyena sa kasal natin?"

"It's okay as long as it was you, who's going to be my bride."

"Nakakainis ka alam mo ba iyon?" sa ibang pagkakataon siguro ay baka kinilig na siya. Umiiwas ito na sagutin ang tanong niya ng diretso. Pero sa huli naman, kung tutuusin ay iyon pa rin ang sumatotal – na tumataba nga siya.

"So tumataba nga ako, ganoon? Bakit ba kasihindi mo nalang sagutin? Oo lang naman o hindi ang isasagot mo eh." Naiinis na naman siya.

Isa pa iyon sa napapansin niya sa sarili niya. Ang bilis niyang mainis lalo na kay Irving.

"Hindi ka tumataba. You're just p–"

"Bolahin mo mukha mo!" putol niya rito at tumalon na sa kama at pinulot ang damit niya.

"What the –! Don't do that again, Chesca Fayelin." May bahid ng iritasyon na sabi nito sa kanya.

Nilingon niya ito. "Do what?"

Still You (DH 4 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon