Thirty Five

26.3K 752 16
                                    

SIRE AN HEIR
030116


Matagal ng nakaalis si Xander pero hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nalaman niya. Parang gusto niyang magpa-party at pumatay ng tao at the same time kung hindi lang iyon kasalanan.


She heaved a deep sigh. Tapos ay napangiti siya hanggang sa unti-unti ay napahalakhak na siya. Oo, mukha siyang nasisiraan ng bait dahil tumatawa siyang mag-isa idagdag pa ang katotohanan na wala naman siyang katabi man lang na pwedeng mapagkamalang kausap o katawan niya, pero wala. Mag-isa lang talagasiya kaya mukha siyang tanga.


Sinuklay niya ng mga daliri ang sariling buhok at saka ipinusod. Hinanap din niya agad ang cellphone niya at tinawagan si Irving para sana balitaan pero ang bagot na boses nito ang sumalubong sa kanya. Agad ang pag-ahon ng inis sa sistema niya.


"What is it, babe? Can you make it fast? I have an emergency meeting and everyone's waiting. Can't it wait 'till my meeting is over?"


"Alam mo ikaw, nakakahalata na ako sa'yo ha?! Lagi ka nalang busy lately. You randomly go to my unit. Tapos tatawag ka lang madalas para i-check kung nasaan ako. May problema ba tayo Irving James the third?"


"Ang sabi mo huwag akong pupunta sa unit mo ng hindi naka-pilot uniform. I just did what you said because I find it ridiculous to wear my uniform when I am not at service anymore."


Oo nga at sinabi niya iyon pero tama ba namang totohanin?


"We need to talk, James." Aniyang pinipigilan ang mainis. Gusto niyang sabihin dito ang mga nalaman niya, ang mga nangyari ngayong araw.


"Okay. I'll come to your place later. I love you."


"Pero –" hihirit pa sana siya at sasabihing siya nalang ang pupunta sa bahay nito pero binabaan na siya ng magaling kaya lalo siyang nainis.


Mula noong pilitin niya itong isoot ang uniform nitong pang-piloto ay hindi na ito nagpunta pa sa unit niya. Madalas ay sa labas sila nagkikita o kaya naman ay sa opisina. May mga lakad rin ito na kadalasan ay hindi sinasabi sa kanya at kapag tinatanong niya ay paiwas ang mga sagot.


Sa tingin niya ay may itinatago sa kanya ang magaling niyang fiancé at kailangan niyang malaman iyon.


Nagmamadali siyang pumunta sa parking at hinanap ang sasakyan niya na sa kasamaang palad ay mukang pinagtrip-pan dahil flat ang apat na gulong. Lalo siyang nainis. Bakit ba puno ng nakakainis na pangyayari ang araw niya? Ano ba ang nagawa niyang mali at minamalas siya?


"Hey! Need a lift?"


Nilingon niya ang nagsalita at hindi niya alam kung dahil na-relieve siya sa pagdating nito o ano kayaang gwapo ng tingin niya kay Terence o sadyang gwapo lang talaga ito sa suot na plain v-neck shirt?


"Yeah. Thanks!" agad siyang sumakay sa backseat dahil nasa passenger's seat si Drae at natutulog.


Pagbukas palang niya ng pinto ay sinalubong na agad siya ng nakangiting mukha ni Meg at Amber.


"Hi Faye!" bati pa ni Meg sa kanya na ngayon ay halata na ang tiyan. "Four months." Anito na marahil ay napansin ang pagkakatitig niya sa may kaumbukan na nitong tiyan.


"Congrats!" ngiti niya. "Mukang may lakad yata kayo?" aniya nang mapansin ang kambal na natutulog sa backseat.


"Wala. Actually, pauwi na talaga kami. Dumaan lang kami dito sa mall para kumain tapos nakita ka ni Terence." Ani Amber tapos ay binato ng unan ang isa sa kambal na malamang ay si Clyde.


Still You (DH 4 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon