Chapter 34

4.3K 82 1
                                    

SAVANNAH' S POV

After ng nangyari, umuwi na kami sa bahay, pagkauwi namin.. May surprise na binigay sa akin si Keon, halos isang buwan din siyang nawala sa piling ko, halos isang buwan na walang nakatingin sa akin kapag nasa trabaho ako, halos isang buwan na wala akong kausap tuwing gabi hanggang makatulog ako..

Pero, ngayon, nandito siya.. Nasa tabi ko at natutulog pa..

6:30 a.m pa lang ng umaga, siguro, napagod din siya sa ginawa niya..

"hay, kung pwede lang mabuhay ng walang taong gustong pumatay sa'yo eh.. Okay lang sa akin" sabi ko, habang nakatingin sa kanya.

Bumaba na ako at pumunta sa kusina para makapag-luto.

Nakita ko naman si Erica na may iniisip ng malalim..

"Erica? Ang lalim naman ng iniisip mo?" tanong ko

"Savannah! Ikaw pala 'yan, ano lang kasi.. Nagtataka lang ako kung sinong pumatay kay Lucy? At bakit niya pinatay si Lucy?" tanong ni Erica.

"hindi mo maiintindihan ngayon, baka, sa susunod na taon maintindihan mo na.." sabi ko habang nagtitimpla ng kape.

"Good morning Savannah!" sabay-sabay na bati ng mga lalaki sa akin.

"good morning! Kape muna kayo?" pag-aalok ko.

"nasaan si Morgan?" tanong ko.

"ayun, nasa C.R sumakit 'yung tyan! Ang dami kasing nakain na cake kagabi, kasibaan." sabi ni Ian at uminom ng kape

"pfft, bagay lang sa kanya 'yun" sabi ni Chris.

"Grabe, ang hirap pala mag-diet!" sabi ni Morgan na kakalabas pa lang sa C.R

"nag-ddiet ka pala?" tanong ni Wilson.

"alam mo ba? Noong nasa Head quarters ako! Kakapirangot lang ang kinakain ko! Tapos puro gym sila 'dun! Walang eat all you can, walang extra ulam, walang extra rice, amp*ta! Ang kuripot mag-bigay ng pagkain!" pag-rereklamo ni Morgan, habang 'yung tatlong tukmol, umiiling iling sa mga pinag-sasasabi ni Morgan.

"Morning Savannah" sabi ni Jade na nag-uunat pa.

"Good Morning" sabi ko. Lahat na kami gising na, pero, si Keon? Mukhang napagod talaga siya at mahimbing siyang natutulog.

"Savannah, nakahanap na pala ako ng lilipatan, balitaan mo na lang ako sa wedding niyo hah?" sabi ni Erica.

"of course! Ikaw pa? Bride's maid kaya kita!" sabi ko

"nice, ikakasal ka na pala noh? Ano kayang feeling na ikasal sa babae noh?" tanong ni Morgan.

"bakit hindi mo tanungin kay Keon?" tanong ko

"excited na ako sa kasal mo Savannah!" masayang sabi ni April sa akin.

"oo nga, ako din" sabi ko

"psh, masaya ba 'yun? Mag-susuot ako ng cocktail dress, masaya 'yun hah?" tutol na sabi ni Jade

"pero, nakagown ka kagabi?" sabi ni April.

"gown 'yun! Syempre mahaba 'yun! Eh ang cocktail dress? Hanggang tuhod lang.." pag-hhysterical ni Jade.

"samahan niyo ako mamaya sa opisina hah? Tulog pa kasi si Keon eh" sabi ko

"okay lang sa amin, Savannah" sabi nila.

After namin mag-almusal, naligo na kami.. Umalis naman na si Erica, at ilang oras pa..

Nag-bibihis na ako para makapasok sa opisina, habang si Keon ay tulog pa din.

I Was Controlled By A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon