Chapter 38

3.4K 73 3
                                    

SAMANTHA' S POV

Noong araw na dumating si Madeleine sa bahay sumobra na ang gulo.. Apat na babae na ang nakitira dito.. Pero, himbis na laging tahimik.. Eh, kabaliktaran naman ito..

'yung isa.. Laging may period dahil laging naiinis at nagagalit bigla(Hana) 'yung isa naman isip bata dahil inlove, pwe!(Alexa) 'yung isa naman, parang hindi babae, kung makabukaka, wagas, kung maka-hilik kapag tulog.. Sobrang wagas(Madeleine)

Nandito ako sa kwarto ko at nag-eempake.. Bwiset.. Hindi ko na kaya ito..

Lumabas na ako ng kwarto ko at lumabas na sa sarili kong bahay, kasama ang kotse ko, napag-isip ko na.. Doon muna ako titira sa condo unit ni Wilson..

Pag-dating ko, nag-doorbell na ako..

"insan? Bakit ka nandito?" tanong niya, napatingin naman siya sa hawak ko..

"pwede bang papasukin mo muna ako? Bwiset" sabi ko, pumasok naman na kami..

Naka-boxer shorts pa ang gago kong pinsan kaya napa-iling na lang ako..

"ang gulo na sa bahay eh, halos hindi ko na ma-realize 'yung bahay ko.. Kadiri! Puro insekto! Ang baho na! Hindi na mabango!" sabi ko kay Wilson, alam ni Wilson na malinis ako sa bahay, kaya sobra akong mag-hysterical kapag madumi ito..

"nyeta! Bakit ang ingay!" sulpot ng isang pamilyar na boses..

"nag-hhysterical lang ang pinsan ko.. Masanay ka na" sabi ni Wilson sa inaantok pa na Chester.

"bakit nandito 'yang gunggong na 'yan?" tanong ko.

"ahh, nakiki-kwarto lang iyan.." sabi ni Wilson

"ano? Pulubi? Walang matirhan?" tanong ko..

"hahahahaha, parang ganun na din.. Di ba nga? Wala diyan si Ms. Luxia? Kaya.. Ayan" sabi ni Wilson, sabagay, psh.. Pero makakasama ko siya ng matagal dito?! Hindi.. Ilang araw lang naman.. Mag-papalipas lang akong sama ng loob

"Samantha Standage!! Nandito ka pala?" Sabi ni Chester. Umiling lang ako..

"anyways, iiwan ko muna kayo dahil.. Pinapatawag ako dun sa Bahay.. Dyan lang kayo hah!" sabi ni Wilson..

Huminga ako ng malalim..

'yung totoo, parang ang awkward dito.. Kainis..

"nag-almusal ka na?" tanong ni Chester, tumingin ako sa kanya at tumango-tango.. Tinignan ko ang cellphone..

Ang daming tawag ng tatlong babae..

Hayyy, tinawagan ko na lang si Alexa..

(Standage! Nasaan ka?!)

"sa lugar kung saan hindi niyo ako mapupuntahan"

(umuwi ka na, alam kong marami kaming nagawa sa bahay mo na.. Ikinagagalit mo, ginulo at pinabaho namin ang bahay mo.. Pero, the f*ck! Nag-ayos na kami para sa'yo)

"wala akong pake kung nag-ayos kayo dyan, basta, hindi na muna ako uuwi dyan"

(ahhh, hindi ka uuwi hah?! Sipain mo na yan Hana!!)

Pag-kasabi nun ni Alexa, biglang bumukas 'yung pinto, kaya kaming dalawa ni Chester ay nagulat..

"go home Standage" seryosong sabi ni Hana Clough at hinawakan ang braso ko..

"bitiwan niyo ako.. T*ngina kayo!" sabi ko.. At nag-pupumiglas sa pagkakahawak nila sa akin..

"By the way, nice boxer short Chester, donald duck huh?" sabi ni Madeleine kaya napatingin kaming lahat sa boxer short ni Chester na puro mukha ni donald duck ang print..

I Was Controlled By A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon