Chapter 1

29.3K 689 37
                                    

SAVANNAH'S POV

Ang ganda naman ng araw ngayon, kaso nga lang medyo bad vibes ako kasi may pasok, masaya sana kung ganito lagi ang panahon!

*boggsshh*

"aray ko naman! Ang sakit nu'n ahh!" pinilit kong tignan kung sino ang lalaki pero hindi ko makita yung mukha. Ang tangkad eh.

"Savannah! Sabay tayo pasok!" sigaw ni Serenity..

"ahh! Sige! Pasensya na kuya." sabi ko at pumunta kay Serenity.

"hoy, Savannah! Sino ba yun?" Tanong ni Serenity.

"nabunggo ko lang, hindi kasi ako tumitingin sa daan eh." sabi ko sa kanya..

"asus! Ang landi mo girl!" sabi ni Serenity.

(school)

"please? Pretty-pretty please?" pagmamakaawa ni Joshua.

"ayoko nga ‘di ba? And that's final!" sabi ko sa kanya. Eh paano, walang assignment. Gustong kumopya, sinong relate? Estudyante problems, pag walang assignment maki-kopya sa meron!

"Savannah! Pengeng crosswise!" sabi ni Lucy.

"tae mo! Wala din akong crosswise!" syempre joke lang yun. Ako? Mawawalan? Aba! Oo! Sa t'wing hihingi ang mga ito.

"ano, ano nga pala yung pangalan mo?" tanong ni Erika sa akin.

"Savannah" sabi ko.

"ayun! Oy! Nakita mo ba ballpen ko?" tanong ni erika. Kita mo 'toh! Sinabi ko na yung pangalan ko, may 'oy' word pa? Nakakainis man pero sinagot ko pa rin siya.

"mukha ba akong lost and found?" tanong ko sa kanya.

"aist! Nasaan na kaya yun!" problemadong sabi ni Erika.

"sinong nakakita ng ballpen ko!" pag-aannounce ni Erika.

"hoy! Savannah! Pakopya ng assignment" nagmamakaawa na sabi ni Joshua. Hindi pa pala umaalis ang damuhong 'toh?

"oh! Ayan na! Libre mo ako mamayang recess hah" sabi ko kay Joshua.

"aye! Aye! Captain!" sabi nya...

"hoy! Mga kapatid! Magsi-upo nga kayo!" sabi ng presidente namin.

"sinong nakakita ng textbook ko sa Math! Taas kamay!" sabi nya, akala ko pa naman patatahimikin yung mga classmate ko.

"yung mga poster nyo daw! Nasaan na!" sigaw ng vice president namin.

"hala! Ngayon ba ‘yun?"

"ewan ko, akala ko nga sa Monday pa yun eh."

"anak ng! Akala ko ba, Monday pa! Langya yan!"

Ilan lang yan sa estudyante problems namin! Walang papel, nawawalan ng ballpen, kopya-kopya ng assignment! Langya!

"guys! May visitor!" sabi ni Erika, kami naman tumayo at..

"Good Afternoon visitors" grade one na sabi namin.

"sino ba nakakakilala kay Savannah White?" sabi nung visitor, yung mga kaklase ko naman, tumingin sa akin sabay turo sa akin. Walang hiya 'tong mga kaklase ko.

"miss, White? pwede ka ba naming makausap?" magalang na sabi nung isang kuya.

"tama! Dalhin nyo yan kuya sa guidance! Hindi nagbibigay ng crosswise!" sabi ni Lucy. Aba? Sampalin ko kaya ang isang ito?

"kasi nga! Hindi ako si Santa Claus!!" sabi ko.

" shut your f*cking mouths! You'll too noisy!" sabi nu'ng kuya.   Hala? Gg? Grabe hah?

"tara na? Milady!" sabi nung isang kuya.

"s-sige." sabi ko, nakaramdam bigla ako ng kaba?

(garden ng school)

"mga kuya, ano po ba yung pag-uusapan natin?" tanong ko.

"gusto namin na pumanig ka sa grupo namin." sabi ni kuya.

"grupo? Anong subject ba yun?" parang wala naman akong naalala na grinupo kami?

"pfft, it's not a school thingy, it's a mafia thingy." hanudaw?

"ano 'yun kuya??" tanong ko.

"I'm Wilson Cox.., " sabi nung kanang kamay ni kuyang sunget.

"Wilson? Cox?" sabi ko.

"oo, kilala mo ako? Iba na talaga ang gwapo, kung saan-saang lupalop na nakakapunta ang pogi kong mukha." sabi ni Kuya Wilson.

"oo naman! Kilala kita! Kakasabi mo pa lang ng pangalan mo eh, kanina" sabi ko

"BOOM BARA!" sabi ng kakarating pa lang na lalaki.

"ako nga pala si Morgan Gauthier." pagpapakilala ng kakarating palang na kuya.

"ako si Chris Wright" sabi ng mukha tahimik na kuya.

"kanan! Long time no left!" sabi ni Morgan..

"ulol!" sabi naman ni Chris

"am I late? Ian Walker at your service" sabi ni Ian.

"sure ba kayong apat na hindi kayo mga delivery boy, drug pusher, katol user, snatcher at kung ano-anu pa?" tanong ko sa kanila.

"nah-uh"

"nope"

"I think no?"

"am I?"

yan ang mga sagot nila.

"okay, stop now that stupid business. I am Keon Dy Moore, gusto kong pumunta ka sa address na ito, Marami tayong pag-uusapan." sabi nung Keon

"b-bakit?" sabi ko.

"Just follow me or I'll kill your parents?" Tanong niya na ikinalunok ko.

"Please, 'wag ang parents ko" sabi ko.

"hawak na kita Savannah at kung hindi ka susunod. Mamamatay ang mga mahal mo sa buhay" sabi ni Keon at umalis, hanudaw?

I Was Controlled By A Mafia BossWhere stories live. Discover now