Chapter 52

2K 38 0
                                    

SAVANNAH' S POV

Nandito ako sa loob na opisina ko at nagtitingin ng mga files na tumambak sa table ko. At syempre, kasama ko si Jade na tahimik at tila malalim ang iniisip.

"you want to open it?" tanong ko at itinigil ang ginagawa at tumingin sa kaniya. Ilang saglit pa ay hindi siya umimik at tumingin lang sa akin.

"come on! Magtititigan lang ba tayo?" tanong ko.

"it' s just about me and Ian, no big deal" sabi niya at umiwas ng tingin.

"may problema kayo?"

"siguro"

"bakit hindi ka sure? Nasa isang relasyon kayo Jade. You need to open up to each other para hindi kayo masaktan" sabi ko.

"I am trying, pero kapag nag-uumpisa na akong kausapin siya ng seryoso, sasabihin niyang itigil ko na daw ang pagddrama!" sabi ni Jade at napasapo sa noo.

"I don' t know what to do, feeling ko nga walang nangyayaring kami eh. Feeling ko nag-assume lang ako at pina-fall niya lang ako" sabi pa niya.

"because he really loves Samantha?" tanong ko.

Dahan-dahan siyang tumango. At sa atmosphere na iyon, nakita ko ang Jade na hindi malakas, hindi masungit.

Nakita ko ang Jade na mahina at fragile...she' s not tough enough for this kind of treatment.

"hinihintay ko lang na makipag-hiwalay siya sa akin" sabi ni Jade.

"I will going to talk to him" sabi ko.

"Savannah, hindi naman kailangan eh" sabi ni Jade.

"no! I need to do this okay? Gusto kong gawin ito for the sake of your relationship" sabi ko.

SHANA' S POV

Nandito ako at nakatayo sa harap ng pintong ito. Nagdadalawang isip kung bubuksan ba o hindi? Nagdadalawang isip kung itutuloy ko pa ba ang gagawin ko?

Binuksan ko na lang ito at nakita ko ang madre na nakaupo. Nakangiti ito nang pumasok ako.

"Sister Shana, ano ang 'yong sadya?" tanong niya.

Umupo ako sa bakanteng upuan.

Isa akong trainee dito sa kumbento kaya mas light ang pagka-blue ng aking damit kesa sa kaniya.

"nais ko pong sabihin sa inyo na...hindi ko na po maitutuloy ang pag-mamadre" sabi ko.

"hinihintay ko lang na sabihin mo ang mga katagang iyan sa akin...noong nakita kita...at pumasok ka dito. Hindi ko alam pero, sa tingin ko ay nangungulila ka...malalim ka kung mag-isip...marahil nga ay natipuhan mo lang ang pag-mamadre at hindi isinapuso kung ano ba talaga ito" sabi ni Sister Edna.

"pero, naiparamdam niyo po sa akin ang pagmamahal na hinahanap-hanap ko" sabi ko.

Wala na ako ni-isang pagmamay-ari ibinenta ko ang cellphone at kotse ko at ibinigay sa isang orphanage ang perang nakuha ko.

"totoo, naging masaya ka...pero, napapansin kong pagkatapos nang kasiyahan ay tila lumulungkot ka...maaaring hindi ka pa handa...pero, wag kang mag-alala...nandito pa din ako at hihintayin kita" sabi ni Sister Edna.

"mamayang gabi na ako aalis" sabi ko.

"sige anak, sana ay makarating ka ng ligtas sa paroroonan ko" sabi niya.

Tumayo ako at lumabas na...ang luhang hindi ko inaasahan ay unting-unti nang dumaloy sa aking mukha.

MORGAN' S POV

I Was Controlled By A Mafia BossWhere stories live. Discover now