Chapter 61

2.3K 52 1
                                    

SAVANNAH' S POV

Alam mo 'yung anytime pwede ka ng manganak...makakaya ko kaya ito? Kahit wala si Keon sa tabi ko.

"ayos ka lang ba?" tanong ni Jade.

Tumango-tango ako at hinimas ang tiyan ko.

"kinakabahan ako...mamaya manganak ka tapos...hindi ko ma-explain" sabi ni Jester.

Natawa na lang ako sa ekspresyon ng mukha ni Jester...paano kaya kapag si Keon ang nandito? Ma-eexcite kaya siya? Miss ko na siya...

CRISTINE' S POV

Kasama ko si Chris ngayon...plano namin ni Serenity ito...paibigin ko daw si Chris para maging kakampi namin siya...

Nagtatakha kayo kung bakit ako umalis ng walang paalam kay Chris? He' s in mafia and I have dreams to pursue.

Then, after I got my college degree...I lived in different countries to meet up a different mafia members in every mafia...and now? I came back for my cousin' s revenge.

At eto...pinagtitiisan ko...kung itatanong niyo kung may nararamdaman ako kay Chris? Wala! AS IN NEVER. Never akong nagkaroon ng gusto sa kaniya.

"hey? Are you okay?" tanong ni Chris.

Inakbayan niya ako at napatingin ako sa kaniya...tumingin naman siya sa akin na nakangiti....he is cute I know...pero gwapo siya kapag inilalabas niya ang dimples niya...

Maputi din siya very masculine ng katawan...nakataas ang buhok, mabango din siya...

"I' m fine" sabi ko.

Nandito kami sa bahay niya at nanonood ng T.V. Ewan ko ba! Pagtiisan ko daw ito sabi ni Serenity.

Sobrang clingy ng isang ito.

Bakit kaya hindi niya buksan ang puso niya para sa ibang tao? Eh...may nagmamahal naman sa kaniya? Si Shana! I think Shana is in love with him... Shana will do everything to make him happy... Bakit niya pa ako hinintay?

Nanatili kami sa ganung pwesto ng ilan pang minuto at napagdesisyunan ni mokong na kumain.

MORGAN' S POV

Ano kayo ngayon? Namiss niyo ako noh? Kung gusto niyo malaman kung bakit puro kadramahan ang nangyayari dito...ganito kasi 'yan...ipinaglihi kasi sa mga sibuyas 'yung mga tao dito kaya nag-iiyakan...pero, Seriously...Wow! Seriously...hehehe big word! Anyways, ay shet! Ang galing ko na talagang mag-english! I am not bleeding nose...hahaha---

"ARAY!" binatukan ba naman ako ni Wilson bwiset...naiinggit na naman ito sa kagwapuhan ko eh...

"ngiti ka kasi ng ngiti diyan! Para kang aso!" sigaw niya.

Napabusangot naman ako...masama bang purihin ang sarili kahit sa isip lang...p*cha talaga...

"paki mo ba? Edi kung gusto mo...ngumiti-ngiti ka din diyan...naiinggit ka lang eh...kasi...sa ating apat...ako ang pinakagwapo sa lahat" sabi ko.

"pwede ba? Tigilan mo nga iyang pagiging GGSS mo? Ang dami na nating problema eh..." sabi ni Wilson.

Bigla naman dumating si Boss na malungkot ulit...nandito pala kami sa resto...nagkita-kita kami dahil may sasabihin si Boss dahil mahalagang importante daw ito. Ibigsabihin ng mahalagang importante ay mahalagang-mahalaga gets?

"Boss, ano ba 'yung mahalagang importante na sasabihin niyo?" tanong ko.

"it' s about our plan" sabi ni Boss umupo siya at hinilot niya ang sentido niya.

"we're going to the abandoned building near our subdivision...I know that' s the place of Serenity..." sabi ni Boss.

Habang nakikinig kami sa plano ni Boss halata sa kaniya ang pagkamiss niya kay Savannah...

I Was Controlled By A Mafia BossWhere stories live. Discover now