Chapter 65

3K 49 1
                                    

JADE'S POV

Nandito pa kami sa ospital para ipagamot si Shana at Savannah. Hinihintay pa namin si April. Ano na kaya nangyari sa kaniya?

"Are you sure that Hunter is going here? With my son?" Tanong ni Keon.

"Yes, I'm sure just wait for her" sabi ko.

Lumabas ako at hinintay sila April sa labas ng ospital. Maya-maya may dumating na kotseng pink. Si April na kaya ito?

Pagkalabas ni April sa kotse niya. Karga-karga niya si Pollux at duguan siya.

"Jade, hold him" sabi niya at kinarga ko naman si Pollux.

Nahimatay na si April dahil marami na siyang bugbog at may tama pa siya ng baril sa tiyan. Tinawag ko na ang iba pang nurse para ihatid siya sa ER. Dinala ko naman sa kwarto si Pollux kung saan nandoon ang nanay at tatay niya.

Nagulat sila dahil hindi ko kasama si April at si Pollux lang kasama ko.

"S-si April?" Tanong ni Jester.

"N-nasa ER" sabi ko. Mabilis na tumakbo si Jester palabas.

"Keon, ito na si Pollux...pupunta lang ako kay April" sabi ko.

Ngayon ko lang nakitang bugbog sarado si April. Sa tingin ko ay sapat na iyon para ma-protektahan ang anak ni Savannah.

"Samahan na kita Jade" sabi ni Chester.

Pagpunta namin sa ER nakita kong nakaupo sa sahig si Jester at umiiyak.

"Bro, ayos ka lang?" Tanong ni Chester.

"Hindi, hindi ako ayos!" Sabi ni Jester. Nagpunas siya ng luha gamit ang mga kamay niya at tumayo siya.

Lumabas na ang doktor.

"Kaibigan ba kayo ng pasyente?" Tanong ni Doc.

"Opo, kamusta na po ba siya?" Tanong ni Jester.

"Well, medyo malala ang tama ng bala sa tiyan niya dahil natamaan ang kidney niya. Kailangan niya pang magpagaling for two weeks, hindi pa natin malalaman kung kailan siya magigising...kung sakali namang magising siya...magpapalipas siya dito ng isa pang linggo" sabi ni Doc at umalis.

Nanlumo kami sa narinig namin.

Isa-isa nang tumulo ang luha ni Jester sa narinig niya. Oo nga at natalo namin si Serenity...pero mas mahalaga pa din ang pagkakaibigan at ang mga taong bumubuo dito.

Tama nga si Joshua. Hindi na ako magtatakha kung ipag-higanti niya si Serenity.

"Makakaya natin ito" sabi ni Chester at tinap niya sa balikat si Jester.

Niyakap niya si Chester kasabay ng pagdating ng pamilyang Moore.

"Anong sabi ng Doktor?" Tanong ni Savannah.

"Natamaan ng bala 'yung kidney ni April, hindi pa nila alam kung kailan magigising si April" sabi ko.

"Hunter did a great job to protect my son" malungkot na sabi ni Keon na nginitian ko ng mapait.

"Magiging maayos ang lahat...nagpapasalamat ako sa inyo dahil noong nagbalik ako sa opisina at napuyat ako...kayo ang nag-alaga sa anak namin...si Jester ang laging nagpapadede kay Pollux na alam kong hindi kayang gawin ni Keon ngayon" sabi ni Savannah.

"Hey!" Saway ni Keon.

"Nag-sacrifice kayo ng oras para sa akin...sa amin ni Pollux...kaya hindi ko kayang mawala kayong apat...grupo ko kayo eh" sabi ni Savannah.

"And yes, hindi ko nakakalimutan ang group ko...hey idiots! Thank you for being there for us" sabi ni Keon kanila Ian.

"Always naman Boss" sabi ni Wilson.

"And to Alexa' s group...thanks for everything" sabi ni Keon.

"We got your back Keon" sabi ni Alexa.

After ng kwentuhan...lumabas na si April na nasa stretcher pa din at dinala siya sa kwarto niya at doon itinuloy ang kwentuhan.

"Kapag papadighayin...ganito lang...itatap mo 'yung likod niya ng tatlong beses...kapag sa gatas naman...maligamgam na tubig lang para hindi mapaso si Pollux...tapos...i-ee-sterilized mo muna bago mo lagyan ng tubig at gatas always kang maglalagay ng bimpo sa balikat in case na maglungad siya" sabi ni Jester habang hinihele si Pollux.

"Noted" sabi ni Keon.

Parang teacher na si Jester at least naibsan ang sugat sa puso niya ngayon. Magkakasundo na kami ngayon...pero si Shana at Chris...walang pansinan...nakakailang nga naman dahil sa nangyari sa kanila.

"Hey, beautiful" sabi ni Ian na papalapit sa akin.

"Beautiful ka dyan!" Sabi ko sa kaniya.

"May utang ka pa sa akin! Ilang buwan mo akong hindi pinansin...namiss mo ba ako?" Tanong ni Ian.

"Oo naman...sino bang hindi nakakamiss sa mongoloid mong mukha?" Tanong ko din sa kaniya.

"Ganiyan...ganiyan ka kapag namimiss ako" sabi ni Ian. Niyakap ko na lang siya bilang tugon.

As expected...niyakap niya ako.

"Guys, may announcement kami ni Mads sa inyong lahat" sabi ni Morgan. Pero hindi pa nakakasalita ulit si Morgan...biglang umalis si Shana na sinundan ni Chris.

"Okay...since si Boss at Savannah ay may anak na...soon pwede na kami ikasal...invited kayong lahat of course.

Kaya natuwa kami sa balitang pinahayag ni Morgan.

SHANA' S POV

Lumabas ako sa kwarto ni April para bumili ng softdrinks sa labas.

"Ate, pabili po ng softdrinks...eto po bayad keep the change" sabi ko at ibinigay ang bente kasabay ng pagbigay sa akin ng softdrinks na nasa bote pa.

Pagkaharap ko...nakita ko si Chris na nasa likod ko na pala.

"Hey, bibili ka din?" Tanong ko sa kaniya.

"Ah...hindi...sinundan talaga kita" sabi ni Chris.

Matangkad si Chris, hanggang balikat nga lang niya ako eh..kulot siya...pero maayos naman ang pagkakulot eh...medyo bilog ang mata at matangos ang ilong...

Kissable lips siya..at talagang malinis siya sa katawan.

"Bakit mo pala ako sinundan?" Tanong ko.

"Wala lang..." Sabi ni Chris. Napakunot ang noo ko dahil sa sagot niya.

"Ahh...okay" sabi ko habang nakakunot pa din ang noo ko.

Umupo kami sa waiting shed malapit sa ospital.

"Paano kung sabihin ko sa'yong mahal kita?" Tanong ni Chris.

"mahal mo ako?" Tanong ko.

"Paano nga lang eh!" Sabi ni Chris at nagkamot ng ulo.

"Ah...ano...syempre...wala akong masabi" sabi ko at yumuko.

"hayy...nakakainis naman" bwiset na sabi niya.

"anyare sa'yo?" tanong ko. Kasabay ng pagkaubos ng softdrinks ko.

Tumayo na ako dahil baka hinahanap na din ako sa loob...ayoko nang makarinig pa nang kadramahan.

Pero sa pagtayo ko...kasabay ng pagpigil niya sa akin at pagdampi ng aming mga labi sa isa't-isa...ramdam ko ang mainit niya labi at pagtulo ng mga luha patungo sa aming mga labi. Pagkawala niya sa aming paghahalikan...naramdaman ko na parang mawawala siya sa tabi ko kaya puno ng kalungkutan ang bumalot sa aking buong katawan.

"pasensya ka na kung hindi kita na protektahan...pasensya ka na kung hindi kita pinahalagahan" mga kataga ni Chris na tumagos sa puso ko na kanina pa kumikirot.

Tumakbo siya at tumungo sa kotse niya. Iniwan niya ako. Pinaharurot niya ito hanggang sa lamunin siya ng kadiliman at hindi ko na nakita muli ang kaniyang mga anino.

"kiss and run?" tanong ko sa aking sarili.

I Was Controlled By A Mafia BossWhere stories live. Discover now