Chapter 46

2.7K 66 1
                                    

SAVANNAH' S POV

Simula noong nakasundo-sundo kami na tatalunin namin si Leavannah. Isinantabi muna namin ito at nag-hahanda na para sa noche buena. Naisip ko kasi na first time lang namin mag-pasko, at first time ko lang din na mag pasko kasama ang mga mahal ko sa buhay. Si keon, ang gang, si mommy at daddy, ang gang nila Alexa. Ang mga taong napalapit na sa buhay ko kahit naudlot ang kasal namin ni Keon, nanatili ang pagmamahalan namin sa isa't-isa at mas tumatag pa ito.

Nandito kami sa kusina at nag-aayos para sa darating na noche buena mamaya. Katulong ko si Ian na magaling mag-luto, si Morgan na taster namin siya ang nag-sasabi kung masyado ba mapakla or what. Imbento niya lang 'yun syempre. Si Jade at April na nag-aayos ng bagong-bagong christmas tree namin. Si Chester at Jester na naghaharutan at nag-babalot ng regalo. Si Wilson at Chris naman, tinutulungan ang mga babae.

Si Keon nasa kumpanya, may biglaang meeting daw sabi ng secretary niya kanina. Tinawagan ko na sila Mommy at Daddy para mamaya. Sila Alexa din. Sana makapunta silang lahat ngayon.

(door bells)

"teka, ako na ang mag-bubukas" sabi ko sa kanila at iniwan muna saglit ang ginagawa ko.

Agad kong binuksan ang pinto at sumalubong sa akin ang mukha ng parents ko na nakangiti.

"mom! Dad! Namiss ko kayo" sabi ko at mahigpit silang niyakap.

"kami din anak, kamusta kayo ni Keon? Naka-buo na ba kayo?" tanong ni mommy at ngumiti ng nakakaloko.

"mom? Grabe naman kayo. Hindi pa kami kasal! Naudlot nga eh" sabi ko sa kanila, pinapasok ko sila at pinaupo sa couch.

"alam mo naman ang mommy mo. Mahilig sa mga bata" sabi ni Dad.

"ang tagal niyo pong hindi dumalaw dito hah? Ano pong nangyari sa inyo?" tanong ko sa kanila.

"tumutulong kami sa inyo kahit paunti-unti. Nagpadala ako ng tauhan ko sa kampo ni Draven. Her name is Shana Hanley" sabi ni Mom.

"Shana Hanley?" singit ni Chester sa usapan.

"yes, Shana Hanley do you know her?" tanong ni Daddy.

"Shana Hanley is a new generation of a reaper and sniper. Pinsan niya si Clough" sabi ni Chester.

"impressive, how did you know that?" tanong ni daddy.

"my own sources" simpleng sabi ni Chester.

"yabang" bulong ni Jester

"ano? Ako mayabang? Sige! Ikaw na lahat magbalot niyan!" sigaw ni Chester kay Jester sabay bato ng mga babalutan na regalo.

"hoy! Dahan-dahan naman sa pagbato ng mga regalo! Grabe! Mamaya may mabasag diyan eh!" sabi ko sa kanila.

"sorry na Savannah, eto kasi si Chester eh.. Ayaw pang aminin na mayabang siya" sabi ni Jester.

"eh hindi naman ako mayabang hah?! Isa pa babatukan na kita!" sigaw ni Chester kay Jester.

"aminin mo na kasi na mayabang ka talaga, Chester"

Napatingin kami sa nag-salita. Si Samantha kasama ang tatlong babae.

"pati ba naman ikaw? Sang-ayon ka din sa hayop na tukmol na yan?" tanong ni Chester.

"totoo naman eh" sabi ni Samantha.

"hey, stop that guys. Its christmas eve, isantabi muna natin ang away. Damhin natin ang presensya ng pasko, at itatak niyo sa kokote niyo na hindi mahalaga ang regalo at pera sa pasko. Ang mahalaga, sama-sama tayo, malulusog, buhay at nakakagalaw, at nagmamahal kahit nasa gitna tayo ng delubyo na gawa ni Leavannah" sabi ni Daddy.

"tama si Mr. Robert Aeys Wheins" sabi ni Mommy.

"pero, mas tinamaan ako noong nakita ko ang maganda mong mukha" sabi ni daddy kay mommy.

"naks! Bumabanat pa si Mr. Wheins! Aguinaldo namin Sir hah!" sabi ni Chester.

"parang mali kayo sa sinabi niyo kanina" sabi ni Jester.

"bakit iho?" sabi ni daddy.

"kasi, hindi naman nakakain ang pagmamahal eh.. Ano naman ang mahihita namin sa pasko kung puro pagmamahal lang at walang materyal na bagay?" tanong ni Jester.

"hindi niyo naman din nakakain ang materyal na bagay hah? Saka iho. Minsan, sa panahon natin.. Wag niyo gawing literal ang lahat ng bagay. Katulad ng pagmamahal? Bakit? May nagsabi ba na kainin niyo ang pagmamahal? Wala naman di ba? You are just going to apply it. Not to eat it, and they will feel it. And it will bring back to you more than you expect it. That's the cycle" sabi ni daddy.

"ahh, the best talaga kayo Sir! Si boss namin hindi nag-wowords of wisdom" sabi ni Jester.

"you want words of wisdom?"

"Keon!" sigaw ko.

"boss, salamat sa pag-aalok pero, hindi ko yata makakaya ang words of wisdom mo" sabi ni Jester.

"i f*cking hate you, idiot! I am going to f*cking kill you. So you better f*cking run, f*cking asshole" sabi ni Keon at hinabol si Jester.

"if you are a good leader, you know how to discipline your members" sabi ni daddy.

"yeah, right" sabi ko.

-----

Sorry kung short. Sana maintindihan niyo. Lovelots, keep reading.. Hindi ko alam kung makakapag-update ako sa mga susunod na araw.. Bahala na.. Walang kasing poreber eh..

I Was Controlled By A Mafia BossWhere stories live. Discover now