KABANATA 76

20.8K 732 166
                                    

Jasper's P.O.V.

"Jasper..." Bulong ni Ricardo sa aking likuran, habang abala ako sa pakikipag-usap sa mga arkitekto.

"Bakit?" mahinang tungon ko, bagama't hindi ko ito nilingon. Nagsasalita kasi ang arkitektong kausap ko.

"May naghahanap sa 'yo."

"Sino?"

"Hindi ko kilala...pero babae."

Nilingon ko na ito. Si Jordanna?"

"Hindi." Nakabungisngis ito. "Puntahan mo na lang sa ibaba. Hinihintay ka n'ya ro'n."

Tiningnan ko ang relo. Limang minuto na lang pala bago mag-alas dose. Kaya ginawa ko na lang na dahilan ang lunchbreak, para maihinto muna ang aking pakikipagpulong.

Naabutan kong nagkakagulo ang mga trabahador sa palibot ng kung sino mang tinutukoy na babae ni Ricardo. Nakita ko na lamang kung sino ito nang mahawi na ang umpukan ng mga ito sa pagdating ko.

"Kriselda? Anong ginagawa mo rito?"

Abot tenga ang ngiti nito habang lumalapit sa akin.

"Surprise!" Huminto ito sa mismong harapan ko. "I just heard from my uncle that you're working for him. No'ng una, hindi ako naniwala, until this morning I said to myself, what heck? Why not find it out for myself. So, here I am. Hindi naman malayo rito ang klinika ko."

Napangiti ako, "Klinika? Duktor ka ba?"

"Oo."

"Talaga? Let me guess, pedia?"

Natawa s'ya, "No, Obstetrician, Gynecologist."

"Oh... I wow." Uminit ang mukha ko for some reason.

"Are you going to have lunch somewhere?"

"H-ha? Ah... no. May baon ako. Handa ni misi—ah, n-ni Jordanna." Napasulyap ako kay Ricardo. Nginingisian ako nito habang iginagalaw nito ang kanyang hintuturo. Senyas 'yun na lagot daw ako. Nginusuan ko ito bago ko muling ibinaling ang tingin ko kay Kriselda.

"Ganun ba?" nanlumo ito sa aking naging sagot. "Yayayain sana kita sa bagong bukas na Steakhouse riyan sa tapat lang. Hindi bale, next time na lang."

I felt a sudden guilt. Nag-abala kasi ito para puntahan ako, para lunch lang sa tapat, hindi ko pa ba mapagbibigyan?

"Ah... eherm, k-kung ganun, eh di sige. P'wede ko namang miryendahin ang baon ko mamaya. Sa'n ba kamo 'yun, sa tapat lang?"

Biglang nagliwanag ang kanyang mukha, "Oo, d'yan lang sa tapat. Walking distance lang. Tatawid lang tayo."

"Gano'n ba? O di sige, tara na ba?"

"Oo, kung ok lang sa 'yo."

"Ok." Humahakbang na ako palapit sa kanya nang...

"Boss, pa'no kami?" nakabungisngis na tanong ng isa sa mga maligno na si Domingo—isa itong Kapre. "P'wede bang makisabay?" nakatanghod ito kay Kriselda.Tinampal ito ng kanyang katabi. Napailing na lang ako bago ako umalis kasama si Kriselda.

Mukhang high-end na steakhouse ang kabubukas lang, at dahil kakilala raw ni Kriselda ang manager, may nakareserba na raw p'westo ang mga ito para sa amin.

"Jazz,"Matapos n'yang makarating sa aming p'westo. Kasama na n'ya ang manager at ang lalaking tila chef nito. "Ito nga pala ang friend kong si Mariz. S'ya ang nagma-manage dito. At ito naman ang 'husband n'ya, si Chef Vito. Sila ang partners sa negosyong 'to. Mariz, Vito, this is Jazz."

Sandali akong napaisip. Jazz? She called me Jazz? Pa'no kaya n'ya nalaman na 'yun ang palayaw ko? "Hi Jazz, finally..." Sabi nung Mariz na halos kasabay ng paglalahad n'ya ng kanyang kanang kamay sa akin.

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon