KABANATA 27

41.3K 1.1K 71
                                    

Jasper’s P.O.V.

Nakakatuwa, na tila laging nakikiayon si Jordanna, sa lahat ng aking mga plano.  Hiniling kong sana, makatulog s’ya nang maaga ngayong gabi. Kailangan ko kasing makapuslit para sa plano naming paniniktik, sa bagong kuta ni Lucio.

Akalain mo nga naman na ang lakas ko pala talaga sa itaas? Nakatulog nga s’ya kaagad. Tatlong oras na mas maaga, sa normal n’yang oras ng pagtulog.

Hindi pa rin ako ga’nong nakaka-recover sa pagkakaligtas ko tungkol sa video na ipinakita sa kanya ni Zoe kahapon.  Hindi pa rin ako makapaniwala, na pinalampas lang ni Jordanna, ang major issue na dapat sana, mas ikinagalit n’ya.

Napapaisip tuloy ako kung...

Ganito ba talaga s’ya ka-naive? Understanding ba s’ya, o ganito lang talaga s’ya ka-slow?  O baka naman kinikimkim lang n’ya ang galit dahil... dahil saan nga ba?  Dahil ba sa mahal n’ya ako?  Gan'on ba talaga n’ya ako kamahal?

Hindi naman ako nagrereklamo, sa magandang kapalaran ko sa pakikipagrelasyon ko sa kanya.  Sobrang saya ko nga eh.  Walang pagsidlan ang saya ko, dahil mahal din ako ng babaeng mahal na mahal ko.  Pero sa kabila no’n, sa likod ng utak ko, hindi ko talaga maiwasan ang magtanong...

Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

Bakit nga ba n’ya ako sinagot at pinasaya ng abot-langit, no’ng mismong araw, at mga panahong, halos tapakan ko na ang pagkatao n’ya?  Bakit n’ya ako minahal, sa kabila ng sagad sa butong panlalait at pananakit ko sa kalooban n’ya?

Bakit?  

Bakit parati akong nakakalusot, sa mga pagkakataong, dapat nasukol na n’ya ako, tungkol sa tunay kong pagkatao?

Bakit?

Bakit ako nakakaligtas sa kabila ng matitinding bigwas at panggugulo ni Zoe?

Bakit?

Bakit hindi n’ya iniinda ang mga bagay na idinudulot ko sa kanya, na dapat sana’y nakakakasakit na sa kanya?

Bakit?

Tulad ng sinabi ko.  Hindi ako nagrereklamo. Masaya ako, na hindi s’ya nagiging parte ng problema ko. Bagkus, nagiging inspirasyon ko pa... kaligayahan, sa gitna ng aking matitinding nga suliranin at responsibilidad sa buhay.

Ganun ba s’ya ka inosente?

Ganun kapuro?

Ganun kawalang-muwang?

Ganun kamanhid?

Ganun ka...slow?

Uulitin ko.  Para mas maging malinaw sa inyo.  Wala akong naman akong reklamo.  Masayang-masaya nga  ako, pero...

Parang may mali eh.

Parang may hindi tama sa ikinikilos n’ya.

Hindi ko matukoy kung ano pero parang may hindi na normal.

Nagkakaganito ako ngayon, dahil kanina lang ay nalaman ko na...hindi naman pala totoo na mahina ang kokote n’ya tulad ng sinasabi at ipinapakita n’ya. Ayon sa kakambal n’yang si Joshua, na kakuwentuhan ko lang kanina.  Alam n’yang nagpapanggap lang ang kapatid n’ya, na mahina ang pick-up nito.  Honor student naman daw ito simula elementarya hanggang highschool. Nagtataka rin daw s’ya nang tila nag-iba ang demeanor nito simula ng sila’y mag desi-sais. Nakapag-iisip ako nang ganito dahil sa kanyang pagsisinungaling.

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon