KABANATA 78

21.7K 699 62
                                    

Jordanna's P.O.V.

How will you cherish each day, when you know it's heading to some future you don't really want to go? How will you placidly say goodbye to the one you love without letting him know that you're about to leave him soon?

Hindi ko na mapigilan ang aking mga luha habang pinagmamasadan ko si Jasper sa pagtulog. Mga luhang pilit kong pinipigilan, lalo na kapag naalala ko ang mga sinabi sa akin ni lola Marietta, tungkol sa aming kapalaran. Hindi man ito detalyado, at kapwa naming hindi nalalaman kung paano ang eksaktong mangyayari, ngunit malinaw naman daw sa propesiya na aabutin ito ng napakahabang panahon.

***

"Pero paano kami magkakahiwalay? Papaano na s'ya kung mangkakahiwalay kami?" Tumatangis na tanong ko kay lola Marietta kamakailan lang. "Sino ang mag-aasikaso sa kanya? Sino ang ang makakasama n'ya? Anong mangyayari sa 'kin? Anong mangyayari sa kan—" Halos hindi ko na mabigkas ang aking mga sinasabi.

Niyakap n'ya ako. "Jordanna," Hinahaplos-haplos n'ya ang aking likuran,"Hindi ko rin alam kong papa'no at kung ga'no katagal. Hindi naman nakalagay sa kasulatan ang detalye, at wala ring nakalagay na paglalarawan do'n ng eksaktong magaganap." Kumalas ito sa akin, "Pero magpakatatag ka, dahil sa 'yo rin nakasalalay ang kanyang pagkabigo't tagumpay."

"Pero papaano pong mangyayari 'yun? Papa'nong sa akin nakasalalay kung magkakahiwalay kami?"

Hindi s'ya agad nakapagsalita. Tila nag-isip ito nang malalim.

"Mayro'ng nakasulat sa sikretong aklat ng iyong mga ninuno. "

"Nakasulat? Tungkol naman po saan?"

"Tungkol sa susi kung paano magagapi ng iyong kabiyak, ang kanyang imortal na katunggali."

"P-papa'no po."

"Kinakailangan mong kumampi sa kanyang kaaway."

Nagulat ako. "Ano po?! P-pero bakit?"

"Hindi ko rin alam, Jordanna. Ang problema kasi sa mga sinaunang kasulatan, hindi naman nakadetalye kung bakit, ga'no katagal at kung paanong mangyayari ang mga nakasaad do'n? Wala itong ipinagkaiba sa banal na kasultan ng Diyos. Katulad ng ibang bahagi bibliya, hindi nakadetalye kung bakit kailangang mangyari ang mga hula, hindi rin tinukoy ro'n kung gaano katagal ang hihintayin, kung kailan mangyayari at kung ano ang detalye ng mga magaganap. Ang resulta, ang lahat ng mga bumabasa nito, kinakailangan pang mag-saliksik, makiramdam at maging bukas ang mga mata sa mga senyales."

"Senyales?"

"Maraming senyales ang nakalagay ro'n bago maganap, habang nagaganap at pagkatapos maganap ang mga propesiya."

"Katulad ng?"

"Katulad ng..." Matama n'ya akong tinitigan. Hinawakan n'ya ang akin tiyan. "Ang pagkawala ng mga batang ito. Naaalala mo pa ba ang sinabi ko sa 'yo tungkol dito?"

"Po?!" Hindi ko na kasi ito natatandaan.

"Nakasaad do'n, na ang pagkawala ng inyong tatlong anak ang s'yang hudyat na nalalapit na ang inyong paghihiwalay. Hindi ko alam kung pa'no at kung bakit kayo maghihiwalay, basta't ang sinabi ro'n, kusa n'yong puputulin ang inyong bigkis, bago kayo tuluyang magkalayo."

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko.

"A-ano pong ibig sabihin no'n?"

"Ang bigkis ay sumisimbulo sa inyong kasal... sa aking interpretasyon, kayo mismo ang magpapawalang bisa ng inyong pagsasama bago kayo tuluyang magkakalayo sa loob ng maraming taon."

"Ipawawalang bisa? Pero pa'nong mangyayari 'yun?" naiiyak na ako.

Umiling s'ya, "Hindi ko alam. Basta't ang alam ko lang, marapat lang na magpakatatag ka. Kahit anong mangyari, iisipin mo muna kung ano ang ikabubuti ng mas nakararami. Sususuong tayo sa digmaang higit pa sa digmaan ng mga bansa, kaya kailangan mo na ring sanayin na hindi muna isipin ang iyong sarili."

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon