KABANATA 87

21.6K 825 82
                                    

Jordanna's P.O.V.

I already hate him, but actually still love him before. Maybe because a part of me still believes that he doesn't actually mean every single hurtful word he uttered—during the altercation of our families, after the annulment of our marriage has been finalized. Isang bahagi sa 'kin, ang pilit pa ring naniniwalang sinumpong lang s'ya ng katabilang ng kanyang dila, na alam ko namang, isa sa kanyang mga kahinaan. He have this very bad tendency to say things he doesn't mean, para lang maiparamdam ang galit o pagkabugnot. Nagagalit. Nabubuwisit. Pero mas madalas sa hindi, na wala naman talagang tunay na pundasyon ang kanyang matatalim na salita. They were all empty. Mere words that has no meaning, just like shards of non-fatal blades to express his frustrations. They hurt a little bit; it can make a person bleed. It can create shallow wounds, but are really not enough to kill anybody instantly, unless someone—I for this matter, chooses to bleed to death instead.

Now that stronger proofs has presented themselves before me; mga bagay na hindi na lamang nagmumula sa kanyang bibig—kundi pati na rin sa bibig ng ibang tao, ibang usapan na ito. Everything he said, which I thought were only said to upset—but not necessarily to totally devastate, has real basis after all.

Totoo pala talagang pinalitan na n'ya ako, at may bago na s'yang nais makasama. Mayro'n na pala talaga s'yang ibang mahal na pakakasalan n'ya.,.na s'ya ring magiging mapalad na ina ng kanyang magiging mga anak ngayon at sa hinaharap.

Anak...

Magkakaanak na sila?

Ilang buwan na kaya s'ya?

Hindi pa naman kami matagal na naghihiwalay, nakabuo na sila? Ibig sabihin lang no'n, totoong magkasama pa kami nang nag-umpisa s'yang makipagsiping sa ibang babae. Tsk. Ano ba naman kasi ang ipagtataka ko gayung nahuli ko na sila dati?

Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

Ang sakit. Kahit anong pilit kong magtapang-tapangan, ang sakit talaga. Alam kong ako ang naunang mang-iwan sa kanya, at dahil dito, inasahan ko nang masasaktan talaga ako sa paglayo ko sa kanya, pero hindi ko inakalang masasaktan ako ng ganitong kagrabe, na sa pakiramdam ko, gusto ko na ring mamatay.

Ang daya n'ya. Wala s'yang oras sa 'kin dahil sa kanyang misyon, pero may oras s'yang makiapid sa ibang babae? Wala s'yang panahon para kamustahin ako, pero may panahon s'yang mambabae?

"Jordanna." Boses 'yun ni Mommy sa labas ng pintuan ng aking kuwarto.

Bumangon ako sa pagkakadapa ko sa aking kama. Pinunasan ang mga luha sa aking mukha. Inayos ang aking sarili, bago ako lumapit sa may pintuan para pagbuksan si Mommy ng pinto.

"Po?" nakasilip ako sa maliit na siwang. Mom was indeed there.

"P'wede ba tayong mag-usap?"

Sa halip na sumagot, pinagbuksan ko ito ng pinto para makapasok ito sa loob ng kuwarto ko. Dumiretso s'ya sa aking kama at umupo sa gilid nito. Tinapik n'ya ang bandang kanan ng kanyang kinauupuan, para do'n daw ako maupo sa kanyang tabi. Sumunod naman ako. Mabagal, pero nakarating din naman ako para tabihan s'ya.

"Nasa labas si Jasper kanina."

Hindi ako sumagot.

"Galit na galit ang Daddy mo, at alam kong hindi ka pa handang kausapin s'ya, kaya pinaalis ko na lang muna."

"Good." Pagpapanggap kong walang pakialam.

"I just thought you want to know."

"'Yun lang po ba ?"

Tumango ito. "And I actually want to make sure you're ok."

"I'm ok, Mom." I tied to give the most sincerest looking smile I can afford at the moment. "I've never been better. He's a good riddance anyway. You know that, right? I really regret I married him in the first place. Kaya nga ako ang nag-file ng annulment 'di ba? I don't care about him anymore. I would actually appreciate it, if Dad, Kuya or you, will keep him away from me, our family and property."

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon